Ellen at Kim hubaran mas titindi

TILA ayaw patalo sa isa`t-isa sina Ellen Adarna at Kim Domingo pagdating sa pagpapakita ng kanilang kaseksihan.

Ngayon kasi ay pinag-uusapan ang ginawang pagpapaseksing pose ni Kim Domingo sa isang men’s magazine na kung saan ay napagkamalan pa na nagpaayos ng katawan.

Si Kim ngayon ang sinasabing tunay na Pantasya ng Bayan pero tutol kaagad ang mga naghahangad ng kagandahan ni Ellen Adarna dahil mas karapat-dapat daw maging Pantasya ng Bayan si Ellen na walang takot pagdating sa hubaran.

Ginulat na nga raw ni Ellen na mag-pose ng totally naked sa isang beach at iba pang kagulat-gulat na sexy pose.

Ngayon ay active na muli sa showbiz si Ellen matapos ang matagal ding pamamahinga sa pag-arte dahil may bago itong serye at pelikula na mapanonood ngayong taon.

Hindi kami magugulat kung one of these days ay magsabay na magpakuha ng super daring na pictorial sina Ellen at Kim para magkaalaman na kung sino ang karapat-dapat na bansangang Pantasya ng Bayan.

Kung si Ellen ay aminadong may ipinaayos sa kanyang katawan.

Si Kim ay wala pa raw ipinaayos sa kanyang katawan.

Ang tanong ay kung sino raw ba sa dalawa ang nagsasabi ng katotohanan?
***
Dahil nauuso ngayon ang pagpapakuha ng mga sexy back photos ng mga sexy star na rumampa sa mga beach resorts nitong nakaraang Holiday season tulad nina Nadine Ilustre, Solenn Heusaff, Sarah Labhati, at maging si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, sumabak na rin si Denise Laurel na may sexy back shot din sa isang beach.

Ayon sa mga nakakausap namin, ang sexy back shot daw ni Denise ang nagpakabog sa kanilang lahat dahil ipinapalagay ng ilang netizens na si Ms. Laurel daw ang local version ni Kim Kardashian.

Ibinalandra ni Denise sa buong media ang hubog ng kanyang puwet sa tatlong magkakasunod na photos niya sa kanyang Instagram

Suot ang black one piece high cut bikini, nagpose si Denise na nakatalikod, nakatagilid sa dagat at ang isa naman ay sa labas ng tinitirhan niya.

Kung pamatay raw ang tambok ng puwet ni Nadine, nakagigigil naman daw ang malaman at hubog na hubog na puwet ni Denise na parang isang pangarerang kabayo.

Samantala, sa selfie shot nito na reflected sa salamin ay mapapa-wow ka sa hubog ng puwet at malamang pata ng actress.

Wala nang iba pang caption na sinulat si Denise sa mga nasabing shot maliban sa pagpapasalamat niya sa brand ng suot na isinuot din ni Solenn Heusaff habang sinisipat din ang katawan sa isang video.

Kung pagkukumparihin ang dalawa sa ginawa ay mas tinalbugan daw ni Denise si Solenn dahil mas nakagigigil daw ang porma ng una sa suot–suot na swimsuit.
***
Sa sexy pose ni Miss Universe Pia Wutzbach na nakadapa sa isang beach ay kinumpara ang malusog niyang boobs sa isang hinog na pakwan.

Pero sa latest sexy post niya ay tila gusto nitong ipasilip ang kanyang “flower” dahil nakatayo sa suot na one piece swimsuit ay hatak-hatak nito pataas ang isang parte ng laylayan ng swimsuit na halos mapunit na ang suot na swimsuit.

Sabi tuloy ng mga nakakita sa sexy pose ng Miss Universe 2015 ay nagwawala na raw ngayon si Pia.

Huwag naman daw sanang maging wild si Pia matapos ang kanyang reign as Miss Universe dahil hinahangaan siya ng mga kabataan at kababaihan.

Kung in-love naman daw si Pia sa sikat na car racer, sana raw ay hindi siya sasaktan nito at hindi magsisi na nagmahal ng isang sikat na foreigner. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO

 

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply