KALAWANG SA CITY HALL

pakurot2

LUMIPAD na ang 2016 kaya sa pagpasok ng 2017 ay kailangang harapin na ang mga pagbabagong inaasam ng mga mamamayang Filipino upang umangat ang antas ng ating pamumuhay.

Sa Maynila, marami nang pagbabagong ipinatupad si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada simula nang manalo itong alkalde noong 2013 at nang muling manalo nitong 2016. Mas lalong pinagbuti ang kanyang pagseserbisyo sa mga Manileño.

Maganda ang saloobin ng dating Pangulo ng bansa sapagkat nais niyang paangatin ang uri ng pamumuhay ng mga mamamayan na nagluklok sa kanya sa puwesto.

Gusto ng nasabing actor-politician na magtuloy-tuloy ang mga pagbabagong nauna na niyang ipatupad na batid niyang magdadala sa patuloy na pagbangon ng Maynila mula sa pagkakalugmok.

Pero parang iba ang ipinapakita ng ilang tauhan ni Mayor Erap sa mga mamamayan, lalo na sa mga miyembro ng media.

Maraming miyembro ng media ang nagrereklamo sa ugali at pagtrato sa kanila ng isang self-proclaimed public relation officer o media relation officer ni Mayor Erap.

Kung makasita at makasumbat sa totoong mediamen na nagko-cover sa Manila City Hall itong tinatawag na Bukulero, akala mo ay siya ang nagpapasuweldo sa mga ito.

Nagrereklamo nga ang mga mamamahayag na madalas naglalabas ng artikulo ukol sa mga nagawa ng butihing Ama ng Lungsod ng Maynila na binubukulan sila nitong assistant ng talagang PR ng Manila City Hall na si Diego Cagahastian.

Sa sobrang bait din naman kasi nitongsi Diego ay nilalampas-lampasan at binabalewala siya nitong si Purisima.

Bago ipagdiwang ang Bagong Taon, ilang mamamahayag ang hiniya nitong si Bukulero nang magtungo ito sa Manila Police District.

Sinita ang mga mamamahayag na nagrereklamo umano sa ipinamigay na pang “Media Noche” ni Mayor Estrada.

Ang totoo, walang nagrereklamo pero dahil nakikinig sa bulung-bulungan itong si Bukulero kaya sinita niya ang mga mamamahayag na ang beat ay Manila City Hall.

Ilang beses na rin namang nasasaksihan ng magaling na alkalde ng lungsod ang kapalpakan nitong si Bukulero at pinagpapasensiyahan lang niya.

Pero dapat magising na si Mayor Erap na ang self-proclaimed PR na ito ang sisira sa kanyang magandang nasimulan at naitanim sa Maynila.

Dapat na rin sigurong gumawa ng hakbang si Mayor Erap laban kay Bukulero sapagkat maituturing itong kalawang na sisira sa bakal. PAKUROT/LEA BOTONES

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply