Keempee tinabla ng Eat Buaga (Joey de Leon hindi naipagtanggol ang anak!)

kempee

FEELING ni Keempee De Leon ay tinabla raw siya ng “Eat Bulaga”.

Hanggang ngayon ay hindi raw niya alam ang dahilan kung bakit hindi siya nakabalik sa nasabing noontime show.

Nagpaalam naman daw siya nang maayos nu’ng gawin niya ang seryeng Little Nanay at pinayagan naman siya na babalik pagkatapos ng serye.

Mabuti na lang dahil may bago raw siyang pagkakakitaan.

Ito’y ang seryeng “Meant To Be” ng GMA 7 na magsisimula sa January 9.

Hindi raw siya nadiretso kung ano ang dahilan kaya ang feeling niya iniwan siya sa ere.

Nagtatanong din daw siya kung ano ang nangyari at nananatiling palaisipan sa kanya.

Tinanong daw niya ang kanyang ama na si Joey de Leon pero wala ring maisagot.

Parang umiiwas daw siya na pag-usapan.

Umabot daw siya sa punto na sumulat siya sa management ng TAPE pero wala rin diumano siyang nakuhang feedback.

Bukas ang panig ng pamunuan ng Eat Bulaga sa pagsisiwalat ng situwasyon ni Keempee.

Aminado ang aktor na na-depress siya sa nangyari. Halos isang taon din siyang napraning sa kaiisip kung may nagawa raw siyang mali?

May na-hurt ba siya na kasamahan niya dun? Nananatiling misteryo kay Keempee ang lahat.

Pak!

-0o0-

Loveless na si Arci Munoz dahil kahihiwalay lang diumano sa kanyang nobyo ng tatlong taon na si Badi Del Rosario. Si Badi ay anak ng Prinsipe ng Brunei na si Jefri Bolkiah.

Gusto lang niya sa birthday niya ay i-enjoy niya ang pagiging single ngayong 2017.

“Mabuhay ang mga single,” sambit niya.

Sa dami raw na nangyari sa buhay ng star ng pelikulang “Extra Service” gusto niyang mag-enjoy.

Talbog!
-0o0-
Finally, isang transformation ang ginawa ng karakter ni Kate Valdez sa Encantadia. Ipinakita na kasi siya bilang si Mira na naka-warrior costume.

Maraming netizens ang natuwa dahil tila magkahawig na magkahawig sila ng kanyang ina na si Pirena, na ginagampanan ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro.

Kuha rin daw ni Kate ang mga mataray na tingin ni Glaiza na talagang nakakasindak. Mukhang alam na namin saan pupunta ang career ng magaling na aktres na ito.

Good job, Kate! Way to go.
-0o0-
Ipinagdiwang ng ABS-CBN ang Kapaskuhan sa pamamagitan ng pagbubuklod sa mga Pilipino bilang isang pamilya sa isinagawa nitong Christmas campaign na “Isang Pamilya Tayo.”

Kabilang dito ang Christmas station ID na talaga namang inaabangan ng mga manonood at umani na ng 2.5 milyon views online.

Patok na patok ang theme song nito na “Isang Pamilya Tayong Ngayong Pasko” na may mensaheng walang imposible sa mundong ito hanggat’t nagmamahalan at nagkakaisa ang pamilya.

Abot-kamay din ng ABS-CBN ang mga Kapamilya sa probinsya sa ginawang Kapamilya Simbang Gabi sa Cebu Metropolitan Cathedral (Cebu), Naga Metropolitan Cathedral (Naga), Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag (Pangasinan), San Sebastian Cathedral of Lipa (Batangas), St. Francis of Assisi (Davao), at Parokya ni San Pedro (Bulacan) at ipinalabas live sa telebisyon.

Bumida naman ang medical at dental missions, job fair, raffle, games, at libreng programa mula sa Kapamilya stars sa ABS-CBN News Family Fair na ginanap sa Marikina Sports Complex at dinaluhan ng libo-libong Kapamilya.

Nakibahagi rin ang ABS-CBN Sports sa isinagawa nitong basketball clinics sa Bulacan, Navotas at Quezon City kung saan tinuruan ng basic skills sa basketball ang mga kabataang may edad 9 hanggang 16, habang ang Star Creatives at Cinema One naman ay nagsanib-puwersa para maghatid ng libreng screening ng “That Thing Called Tadhana” sa mga estudyante ng Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School.

Samantala, tumungo naman ang “Hashtarana” segment ng “It’s Showtime” sa Payatas kung saan kinilala ng show, sa pamamagitan nina Hashtags Nikko at Luke, ang isang model family at pinagkalooban pa ng scholarships ang tatlo sa mga supling.

Hindi lang sa Metro Manila naganap ang pagdiriwang ng Pasko ng Kapamilya kung hindi pati rin sa Bacolod at Dumaguete kung saan nagsagawa naman ng community Zumba activities ang ABS-CBN Regional.

Bilang pagtatapos sa selebrasyon, idinaos ang inaabangang ABS-CBN Christmas Special sa Araneta Coliseum at nagdala ng saya sa maraming fans sa pagtatanghal na ipinamalas ng mahigit 200 Kapamilya stars.

Maging netizens ay nakisaya rin sa pagdiriwang matapos mag-trend worldwide ang official hashtag na #ABSCBNChristmasSpecial. XPOSED/ROLDAN CASTRO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply