Kerwin ipinaaaresto sa kasong murder

kerwin2

INIUTOS ng korte ang pag-aresto sa self-confessed drug distributor Kerwin Espinosa hinggil sa kasong murder na isinampa laban sa kanya.

Kasama rin na ipinapaaresto ang kapwa akusado ni Espinosa na sina Jesus Tolin at Brian Anthony Zaldivar.

Wala nang iba pang detalye ang ibinigay ni Baybay City Regional Trial Court Branch 14 Judge Carlos Arguelles, na siya ring humahawak sa kasong illegal possession of drugs and firearms ni Espinosa, sa arrest order na petsa Enero 5.

Sa kasalukuyan, si Espinosa ay nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI), isa sa law enforcement agencies na inatasan ng korte para isilbi ang arrest warrant laban sa kanya.

Nitong nakaraang lingo lamang, kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na tinanggap na si Espinosa sa Witness Protection Program (WPP) ng gobyerno kapalit ng kanyang nalalaman sa illegal drug trade. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply