Lusot na, nagkamali pa sa paliwanag

HINDI naman daw malalagay sa alanganin ang team Oro dahil ang pagkatay ay ginawa ng mga local folks na part ng kanilang foodfare, bale kinunan lamang ito nila para maisama sa pelikula, kaya walang kaso na dapat na ipukol sa kanila ang mga animal lover.

Kaya lang itong si Biboy Ramirez ay tila umamin namang ginawa iyon para sa movie dahil sa kanyang kaekekan na pinost sa social media na pinaninidigan pa ang pagkatay sa aso.

“4 miners were killed for greed. 1 dog was killed for food. Justice for dog or for the 4 miners?

We have successfully unmasked some people who would rather see people killed for greed than seeing an animal killed for sustenance,” Ani Biboy na binura naman agad dahil nag-contradict doon sa palusot ng Oro team.

Unang-una, paano naman nasali ang apat na minero sa pelikula? Aso ang pinag-uusapan dito.

Aba, kung pati ang apat na minero ay pinatay nila habang ginagawa ang pelikula, hindi lang pala ang pagkatay sa aso ang kaso nila kundi pati sa tao? Susme!
***
Pauline Cueto pasabog ang opening sa Kapuso countdown

Marami ang humanga sa tindi nang ipinakitang performance ni Pauline Cueto sa Kapuso Countdown 2017.

Talagang pasabog ang kanyang ginawa bilang front act sa okasyon ng GMA 7. Imagine, sya ang curtain raiser sa napakalaking event na ‘to.

Bale siya ang nagpasimula sa lahat ng performances ng mga sikat at magagaling na Kapuso stars.

Binuksan niya ang pagdiriwang sa pamamagitan ng danceable number na pinasikat ni Megan Trainor titled “Lips Are Movin!”.

Actually, ang daming nag-congratulate sa amin.

Ang galing daw ng alaga namin. Talagang ang daming bumilib kay Pauline mula Pilipinas hanggang abroad dahil simulcast iyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Congratulations Pauline! You Made it!
***
Jhong Hilaro nairita sa serbisyo ng Cebu Pacific

Nagalit si Councilor Jhong Hilario ng Makati dahil sa magulong trabaho ng Cebu Pacific.

“Ganyan ba talaga kayo kagulo? ‘Yong mga luggages kung saan-saan napupunta. ‘Yung mga luggages ng foreigners nawawala nakakahiya,” sabi ni Jhong.

“Anong oras na? Gusto na naming makauwi. Kung hindi ko pa nakita yung isang luggage ko sa kabilang conveyor malamang nawala na,” dugtong pa nito.

Nung nakaraang kapaskuhan, sina Lui Manzano at Kim Chiu rin ang nagreklamo sa ibang airlines naman dahil nagkawasak-wasak ang maleta nila dahil sa raskal at pabayang paghawak ng mga tao sa paliparan.

***

Ashley Ortega, isa lang ang wish ngayong nasa legal age na

Base sa mga online posts ng kanyang friends, both in showbiz and school, kitang kita ang kasiyahan sa napakagandang debutante na si Ashley Ortega.

In fact, napaka-stunning niya sa kanyang red gown. Good thing nag-pay off ang pagiging hands on niya sa preparations.

On the other hand, isa lang daw ang winish ng dalaga ngayong birthday niya—and that is for her career to prosper even more.

Aniya, “Actually ang winish ko lang kay Lord is to have a successful career, good health for me and my family, and to have all the happiness in the world.”

Sigurado naman kami na nakukuha mo na yun, Ash!

***
Heart Evangelista, gym buddy ang pusa?

Natutuwa kami kay Heart Evangelista especially sa mga posts niya sa Instagram lately.

Bukod kasi sa interesting ang pinopost niya, creative pa ang mga ito.

Example na nga lang ay nang akalain namin na gym buddy na niya ngayon ang pusa.

Yun pala, gusto lang niyang isama sa kanyang shoe-fie. Nakakaaliw dahil kita mo ang creativity ng aktres kahit ano man ang gawin niya.
***
Eula Valdez, tumutol sa kasal!

Nakakaawa naman ang character ni Eula Valdez sa GMA Afternoon Prime na Hahamakin Ang Lahat.

Para na kasi siyang mababaliw sa pagkakakita niya kay Alfred (Ariel Rivera) na pinaghihinalaan niyang ang dati niyang boyfriend na sobra niyang minahal na si Nelson.

What is worse, makikita niya pa itong ikakasal at sobrang in love sa mortal niyang kaaway na si Laura (Snooky Cerna) kaya hindi na kami nagulat nang tumutol siya dito.

Pero sino nga kaya si Alfred? Buhay nga kaya si Nelson? Sa totoo lang, hindi na kami makapaghintay sa susunod na mga kabanata ng seryeng ito. Ang exciting kasi talaga.
***
Dingdong Dantes, sulit na sulit ang bonding time with family

Kung titingnan mo ang posts ng mag-asawang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, parang kasa-kasama ka na rin nila.

Ramdam mo ang saya ng mag-asawa kasama si Baby Zia.

Sulit na sulit ang holliday break ng Alyas Robin Hood star para makasama niya ang pamilya sa Indonesia.

Sigurado kami na pagbalik ng Kapuso Primetime King mula sa kanyang bakasyon, mas gaganahan pa itong magtrabaho para sa top-rating series ng Kapuso Network.

For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK! /ABE PAULITE

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply