Mataas na buwis sa kotse, premyo sa lotto isusulong

lotto4

ISINUSULONG na sa Kamara ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga sasakyan na halos kapresyo na rin ng mga bago at mamahaling kotse.

Sa inihaing House Bill 4774 na naglalaman ng tax reform package, sisingilin ng buwis na P24,000 plus 40% ang mga sasakyang nagkakahalaga ng P600,000 – P1.1-milyon.

Kung ang sasakyan ay may halagang P1.1 – P2.1-milyon, papatawan ito ng buwis na P224,000 plus 100% ng halagang lagpas sa P1.1-milyon.

Ang mga sasakyan namang P2.1-milyon pataas, may katapat itong buwis na P1.2-milyon at may dagdag pang 200% ng halaga na lagpas sa P2.1-milyon.

Isinusulong din sa Kongreso ang pagpapataw ng buwis sa napapanalunang premyo kasama na ang sa lotto at iba pang games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Batay sa House Bill 4774, papatawan ng final tax na 20% ang winning o prizes habang libre naman sa buwis ang mapapanalunan dito mula P10,000 pababa.

Maliban dito, itinutulak din ang pagpapataw ng 6% buwis sa mga regalo na lalagpas ng P100,000 ang halaga sa loob ng isang taon. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply