May vested interest kaagad ang panukala

julia-barretto3

CONGRATS to Star Cinema dahil ang kanilang entry na Vince Kath & James ang siyang naging topgrosser ng MMFF 2016! More than P100M na ang kinita ng movie and still counting.

Close second ang Die Beautiful na by this time ay naka-P100M na rin kaya successful naman ang bagong bihis ng MMFF!

May mga nangongontrabida kasi at nagsasabing hindi raw nagtagumpay ang MMFF 2016 kaya dapat ibalik na lang ‘yung dating naka- gawian na pagpasok ng ultra-commercial films.

May isa pang senador ang nag-suggest na dapat gawan na lang ng sariling filmfest ang mga indie films! Que horror!

Maniniwala na sana kami sa senador na to kung hindi nga lang kapatid niya ang isang producer-actor na hindi nakasama ang pelikula sa MMFF 2016.

Kumbaga, may vested interest kagad ang kanyang panukala.

Ginawa pang excuse ang mga bata na kesyo walang mapanood nitong nakaraang Kapaskuhan.

Well may isang buong taon ang lahat ng producers na makaisip at makagawa ng pelikula na para sa mga bata na may kalidad at pagpupulutan ng aral.

Ganun lang yun. Dapat lang bigyan natin ng another two years ang bagong pamunuan ng MMFF. Hindi naman kasi basta-basta maiiba na kaagad ang panlasa ng moviegoers overnight!Lahat naman ay natutuhan gradually.
***
Isang damukal na protesta at panlalait ang natanggap ng dating sexy singer na si Mocha sa pagkaka-appoint niya bilang isa sa bagong MTRCB board member. Ano raw ang alam niya sa pagre-review ng pelikula at mga TV programs at obvious naman daw na pambayad utang lang daw ang pagkakahirang niya kasi ay naging avid supporter siya ni Pangulong Duterte noong panahon ng kampanya.
Tumaas pa lalo ang kilay ng mga bashers nang sabhin ni Mocha na ang target niya ay ang tanggalin ang soft porn sa TV lalo na sa mga teleserye. Kasi naman daw siya mismo ay gumagawa rin ng soft porn dati. Pero ayon kay Mocha, nagbago na raw siya at dapat lang daw bigyan siya ng pagkakataon ng mga tao sa bagong buhay niya.
Well, bakit nga ba hindi? Huwag muna tayong mabilis na manghusga. Hayaan muna natin si Mocha to prove herself at baka naman may magagawa naman siyang kabutihan sa pagiging isang MTRCB board member.
***

Patuloy pang lumalakas ang Bubble Gang ngayong 2017 lalo pa’t regular cast na rin si Jak Roberto na premier hunk actor ng GMA ngayon.

Kikinikilig ang mga manonood sa kanyang abs lalo na sa portion na Basa-Basa Pik na naka-trunks lang siya.

Anyway magkakaroon na naman ng feeding program si Diego ng Bubble Gang sa January 29 sa Namayan Covered gym, Claro Castaneda St, Brgy Namayan, Mandaluyong City.

Dalawa sa avid supporters ng feeding program ay sina Paolo Henry Marcoleta presidente ng SAGIP PARTY-LIST at Cong. Rodante Marcoleta na kasamahan natin sa industriya na may programa sa NET 25 ang “SA GANANG MAMAYAN” napapanuod mula lunes hangang biyernes 8am to 9am.

Magandang malaman ng ating mga kababayan na may katulong tayo sa kongreso, na bukas palad na nakikiisa sa pag-tulong, ang SAGIP PARTY-LIST… alam namin ang kanilang tunay na layunin at pakikiisa na makapag-hatid ng kanilang serbisyo at malasakit sa ating mga kababayan lalo na sa mga mahirap…hello to my good friend Macky Grospe! EEEWWW/TONEE CORAZA

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply