Oil price hike, ipatutupad ngayong araw

UNANG linggo pa lang ng 2017, ngunit may hatid na masamang balita ang mga kumpanya ng langis sa mga motorista dahil sa kanilang pagtataas muli ng presyo ng kanilang mga produkto.

Ngayong Martes, Enero 3, magpapatupad ng dagdag na P0.70 sa halaga ng kada litro ng gasolina, at P0.60 sa kada litro ng diesel ang mga kumpanyang Petron, Total, UniOil, PTT, SeaOil, Phoenix, at Shell epektibo simula alas-6:00 ng umaga.

Magtataas naman ng P0.55 ang halaga ng kada litro ng kerosene ng mga kumpanyang Petron, Seaoil at Shell.

Parehong halaga naman ang itinaas ng Flying V sa kanilang gasolina, diesel at kerosene, ngunit nauna na silang magpatupad nito mula pa kaninang hatinggabi.

Ito na ang ika-apat na sunod na linggo na nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply