P2k dagdag pensyon sa SSS aprubado na

INIHAYAG ng Social Security System (SSS) ang suporta  nito sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang P2,000 dagdag pensyon na pakikinabangan ng mahigit dalawang milyong pensyonado, kung saan ang unang P1,000 ay ibibigay ngayong buwan at panibagong P1,000 sa 2022 naman o mas maaga pa.

Subalit, inutusan ng Chief Executive ang SSS na isama ang mungkahi ng economic managers na dagdag 1.5 porsyentong pagtaas ng kontribusyon at pagtaas ng maximum monthly salary credit (MSC) sa P20,000 mula sa kasalukuyang P16,000 simula Mayo 2017 para manatiling buhay ang pondo ng SSS.

Sinabi ni Duterte na dapat tingnan ang SSS bilang pangmatagalang ipon at hindi gastos dahil nakikinabang sa anim na uri ng benepisyo at pribilihiyong pautang ang mga miyembrong aktibong nagbabayad sa SSS.

Idinagdag ng Pangulo na paiigtingin ang pagpapatupad sa SS Law  a pamamagitan ng pag-isyu ng Executive Orders para masiguro ang proteksyon para sa mga manggagawa.

Pinasalamatan ni SS Chair Dean Amado D. Valdez si Pangulong Duterte sa kanyang desisyon na ibigay ang dagdag pensyon. Gayundin, kinilala niya ang tulong ng mga economic managers at mambabatas na nagpakita ng pagkalinga sa mga pensyonado at miyembro ng SSS.

“Pinapakita nito na ang ating Pangulo ay may malasakit sa ating mga pensyonado na matagal ng naghihintay sa dagdag pensyon. Gayundin, ang kanyang desisyon para ipatupad ang karampatang pagtataas ng kontribusyon at MSC ay pagsuporta sa patuloy na reporma ng SSS para sa mapabuti ang kapakanan ng higit 30 milyong miyembro na umaasa din sa SSS pagdating ng kanilang pagreretiro”.

Kapag naipatupad nang sabay ang dagdag kontribusyon at pagtaas ng MSC,  aabutin ng hanggang 2040 ang buhay ng pondo ng SSS ngayong 2017.

Sinang-ayunan ni Dean Valdez ang Pangulo sa kanyang sinabi na hindi dapat gamitin ang buwis para pondohan ang dagdag pensyon. “Ipinakita ng Pangulo na responsable siya sa kanyang desisyon dahil hindi dapat saluhin ng pamahalaan ang dagdag pensyon ng SSS dahil ito ay isang private pension fund at hindi patas para sa mga taxpayers na saluhin ng pagtaas ng benepisyo ng SSS.”

Para mapondohan ang dagdga pensyon, sinabi din ni Dean Valdez na paiigtingin ng SSS ang koleksyon nito kabilang ang paghabol sa mga employers na hindi nagbabayad ng kontribusyon.

Isa pang paraan para pataasin ang kita ng ahensya ay  ang pagpapalawig ng investments nito. Muling sinabi ni Dean Valdez ang plano ng SSS na direktang pag-invest nang hanggang 25 porsyento sa pagpapatayo ng mga toll, roads, real estate at kahit lotto operations.

Sa isyu naman ng gastusin ng SSS, sinabi ni Dean Vutsaaldez na binawasan na ng ahensya ng P1 bilyon ang badyet nito sa taong 2017 ng P1 bilyon habang naghahanap ng mga paraan para pagbutihin ang serbisyo at lutasin ang structural imbalance sa pondo.

Sinagot din ni Dean Valdez ang isyu tungkol sa mga sahod at bonuses ng mga opisyal ng SSS na naging usap-usapan kasabay ng dagdag pensyon. Kanyang ipinaliwanag na ang halaga ng sahod at bonus na sinusunod ng SSS ay kapareho ng ipinapatupad ng lahat ng GOCCs base sa GOCC Governance Act and Executive Order 24 in 2011.

“Sisiguruhin namin na ang bonus ay base sa performance ng empleyado. Kapag ang itinakdang target ay nagawa, dapat lamang na bigyan ng insentibo ang magandang perfomance. Ito naman ay ginagawa sa lahat ng opisina mapa- gobyerno man o pribado,” sabi ni Dean Valdez.

“Madami na kaming ginagawang paraan para lumaki ang pondo ng SSS,” sabi ni Dean Valdez.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply