Pagtaas sa presyo ng kuryente, tuloy sa Marso

HUMIHIRIT ng dagdag-singil sa presyo ng kuryente ang Meralco sa buwan ng Marso.

Ito’y resulta ng isinagawang shutdown sa Malampaya power plant na sumasailalim ngayon sa maintenance.

Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), posibleng nasa P1.20 kada kilowatt hour ang madagdag sa singil sa kuryente.

Samantala, sa susunod na buwan, maaari pang makaranas ng mas manipis na reserba sa kuryente bunsod pa rin ng nasabing shutdown.

Sinabi ng DOE na sa February 13 – 17, 2017, maaaring magtaas ng yellow alert dahil magiging manipis ang reserba sa kuryente. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply