PNP, walang naitalang krimen sa Traslacion

WALANG naitalang krimen sa katatapos lang na Traslacion ng Itim na Nazareno na tumagal nang mahigit 20 oras na nagsimula kahapon, Pista ng Quiapo.

Ito’y sa kabila pa ng posibleng banta ng terorismo sa nasabing aktibidad.

Ayon kay Plaza Miranda Police Station Commander John Guiagui, sa ngayon ay generally peaceful ang naging prusisyon.

Maging kahit anong uri ng ‘untoward incident’ o anomang direktang banta na magugulo ang prusisyon ay walang naitala ang pulisya.

Sinabi rin ni Guiagui na naging mapagmatiyag ang mga deboto kung kaya noong may nakitang inabandonang bag sa harapan ng Sta. Cruz Church ay agad nila itong ipinaalam sa mga pulis.

Pero nang suriin ang naturang bag, wala naman bomba o improvised explosive device na nakapaloob dito.

Samantala, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director C/Supt. Oscar Albayalde, pumalo sa 2.5-million ang kanilang crowd estimate sa mga nakilahok sa Traslacion ngayong taon. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply