Sef Cadayona ang mystery guy ni Maine Mendoza

KUNG totoo na si Sef Cadayona ang sinasabing mystery guy ni Maine Mendoza ay malabo na maging sina Maine at Alden Richards sa hinaharap.

Ang kamag-anak pa raw mismo ni Sef ang nagtsika na nagdi-date sina Sef at Maine.

Pero date lang naman yun na hindi masa- sabi kaagad na may relasyon na nga ang dalawa.

Sayang at pagkakataon na sana raw ni Sef na linawin ang isyung naglalabasan para maging malinaw ang lahat.

Pero sa hindi maintindihan ng ilang press na gusto sana siyang ma-interview sa nakaraang presscon ng Meant To Be ay nagmamadali raw itong umalis ng presscon.

Nagpi-pictorial ang buong cast ay hindi na raw sumama sa photo shoot si Sef at diretso raw itong lumabas ng venue para sumakay sa kanyang kotse.

Dahil sa nasabing isyung ipinupukol kay Sef na mystery guy ni Maine ay pinutakti tuloy siya ng batikos ng AlDub.

Kesyo ginagamit raw ni Sef si Maine para mapag-usapan at manatiling mainit ang showbiz career.

Pagkakataon na rin sana ni Sef na linawin sa nasabing presscon ang iba pang isyu sa kanya, tulad ng hanggang ngayon ay hindi malinaw na paghihiwalay nila ni Yassi Pressman, ang walang katapusang isyu sa kanila ni Andrea Torrers. Kesyo naging sila pero ayaw umamin.

Anyway, sa first taping day ng Bubble Gang sa pagpasok ng taon 2017 ay hindi na makaiiwas si Sef kapag nakorner siya ng ilan press na bibisita sa taping.

Sa Bubble Gang nagsimula ang sweetness daw nina Andrea at Sef na napanonood every Friday sa GMA 7.

Doon nagsimula ang closeness nila as a friend at nauwi raw sa relasyon pero itinanggii naman ng dalawa.
***
Hanggang ngayon daw ay palaisipan pa rin raw kay Keempee de Leon kung bakit siya hindi makabalik sa Eat Bulaga.

Higit isang taon na raw siyang nawala sa EB at hanggang ngayon ay clueless kung bakit hindi pa siya pinababalik.

Ayon kay Keempee nag-leave lang siya sa EB noong December 2015 dahil nagkaroon siya ng teleserye na Little Nanay at dahil three times a week daw ang taping ay mahihirapan siyang mag-report sa EB.

Dahil nagpaalam naman daw siya nang maayos kaya wala sa pangamba na magkakaroon ng isyu.

Sinabihan pa raw siya na ilalagay sa All For One, One For All segment sa barangay.

Magiging alternate raw siya nina Jimmy Santos at Anjo Yllana.

Nang malapit na raw mag-last taping day ng serye ay nagpasabi na siya na puwede nang mag-EB ulit. Sasabihan na lang daw siya kung kalian puwede na siyang pumasok.

Hanggang lumipas na raw ang ilan buwan ay wala pa rin raw siyang tawag na ipinagtaka niya.

“KInausap ko na ang Dad ko (Joey de Leon) tungkol diyan. Pero wala siyang maibigay na sagot sa akin. Kaya up to now, I am clueless kung bakit hindi ako pinabalik sa EB,” aniya.

Ayon pa kay Keempee, nakaranas siya ng depression dahil para raw siyang napilayan noong mawala siya sa EB.

“Kasi naman, 13 years akong naging part ng EB. Bata pa lang, dinadala na ako ni daddy sa studio. Hanggang maging artista na ako at naging part na ako ng show.

“Marami ang nagme-message sa akin na bakit si Wally (Bayola) nakabalik? Bakit si Paolo (Ballesteros) nakabalik? Eh, sila may mga reason kung bakit sila inalis pansamantala. Ako naman daw, walang mga ganoon issue,” pahayag pa ni Keempee.

Naging challenge naman daw sa kanya at ginawang positive ang lahat. Sana lang daw ay sabihan siya ng diretsahan kung ayaw na talaga sa kanya. Hindi yung pinag-iisip pa raw siya.

“May anak ako na nasa college. Ang mahal ng tuition fee. Graduating na siya. Naging inspirasyon ko na lang ang anak ko to strive harder and not give up.

“Thank God na rin at nabigyan tayo ng GMA 7 ng bagong teleserye na Meant To Be. Malaking tulong sa akin ito,” say pa ni Keempee. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply