SIDEKICK NI LOPEZ MAY RAKET

deadshot-erwin-tulfo

NAKADUDUDA nang iutos ni DENR Secretary Gina Lopez ang pagsasara sa ilang maliliit na mining company samantalang pinayagan niyang magpatuloy ang operasyon ng mga malalaking kompanya na talamak sa environmental violations.

Taliwas ito sa ipinangako ni Lopez nang hirangin siya ni Pangulong Duterte na maging kalihim. Nangako itong ipasasara ang mga minahan na matagal nang nang-aabuso sa ating likas na yaman.

Kaya may mga nagtatanong: May tililing ba itong si DENR Secretary o may iba pang dahilan kaya kaagad tinalikuran ang kanyang pangako?

Minarapat kong mag-imbestiga at nalaman ko nga mula sa DENR insiders na isang ranking official at adviser ni Lopez ang isang “silent partner” ng mga operator ng erring mining firms. No wonder now!

At heto nga ang ilang kompanya na tinukoy na hindi pumasa sa DENR audit and inspection ngunit pinapayagan na makapagpatuloy sa panggagahasa sa kalikasan:

Libjo Mining Corp; AAMPHIL Natural Resources and Development Corp; Krominco, Inc; Carrascal Nickel Corp; Marcventures Mining and Dev. Corp; Filmenera Resources Corp; Strongbuilt Mining Dev. Corp; Sinosteel Phil. Mining Corp; Oriental Synergy Mining Corp; Wellex Mining Corp; Oriental Vision Mining Phil. Corp; CTP Const. and Mining Corp; Agata Mining Ventures, Inc; Hinatuan Mining Corp; Benguet Corp; Lepanto Consolidate Mining Company; Oceana-Gold Phil. Inc; Adnama Mining Resources Inc; SR Metals, Inc.

Nahalata yata ito ng Commission on Appointments kaya hindi mabasbasan ang pagkakahirang dito sa palpak na pagkapili ni Manong Digong.

Manong Digong should think twice before extending Lopez as DENR chief. She doesn’t care, anyway, if she is confirmed or not as long as the President keeps extending her term as DENR secretary.

Ano bang klase ang takbo ng pag-iisip nitong si Lopez? Tsk, tsk… DEADSHOT/ERWIN TULFO

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply