SSS hindi malulugi sa P1,000 pension hike

sss4

PINAWI ni Social Security System (SSS) chairman Amado Valdez ang pangambang malulugi ang pension fund kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay ng P1,000 pension hike para sa mga retiradong miyembro ng SSS simula ngayong buwan.

Umaabot sa 1.2-milyong ang mga pensioners sa SSS.

Sinabi ni Valdez, ang desisyon ng Pangulong Duterte ay batay naman sa maingat na pag-aaral at rekomendasyon ng mga economic managers.

Ayon kay Valdez, tinitiyak nilang aayusin ang koleksyon sa buwis lalo sa mga employers at palalaguin ang pondo sa mga investments gaya sa mga tollways.

Rerebyuhin din nila ang salary scheme ng mga opisyal ng SSS para maiwasang maulit ang kontrobersyal na sahod at benepisyo ng mga nagdaang administrasyon.

Kabilang sa kanilang gagawin ang paghingi ng Executive Order (EO) mula sa Pangulong Duterte para mapagbuti ang contribution collection.

Inihayag pa ni chairman Valdez na paiigtingin din nila ang paghahabol sa mga delinquent at non-compliant employers sa pamamagitan ng pagpapabilis sa pagresolba ng mga kaso at iba pang mga proseso para maibsan ang tinatawag na contribution delinquency. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply