Sundalo, huli sa indiscriminate firing

DINGRAS, ILOCOS NORTE – Arestado ang isang miyembro ng Philippine Army (PA) matapos magpaputok ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Brgy. Sagpatan, Dingras sa nasabing lalawigan kahapon ng madaling-araw, Enero 1.

Kinilala ng Dingras police ang suspek na si Sgt. Rex Palalataw, 37, kasapi ng PA 50th Infantry Division sa Pinokpok, Kalinga.

Sa imbestigasyon, bago magpaputok si Palataw ay nagbanta diumano na pagbabarilin niya ang grupo ng isang negosyante na nakilalang si Albert Ballesteros, at mga kasamahan niyang sina Ruben Biernes Inocente at Michael Ballesteros, habang pupunta sana ang mga ito sa piggery ng nasabing negosyante.

Dahil dito, ayon sa pusliya, nagtakbuhan ang mga biktima at nag-report agad sila sa himpilan ng pulisya.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at hinuli ang suspek na ngayo’y nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. ALLAN BERGONIA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply