Sunog sa Navotas, 20 pamilya nawalan ng bahay

MAHIGIT sa 20 pamilya ang nawalan ng tahanan matapos lamunin ng apoy ang kanilang kabahayan habang isang apat na taong gulang na bata ang nasugatan sa naganap na sunog sa tabi lamang ng city jail kagabi, sa Navotas City.

Pasado alas-8:40 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ni Mayang at ni Egay Bolano sa M. de Vera St., Brgy. Sipac-Almazen na agarang kumalat dahil sa mga light material.

Dahil dito, apat na preso ng Navotas City Jail na nakilalang sina Adrian Palomo, 37, Ernesto dela Cruz, 38, Percival de Jesus, 31, na nahahrap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act at si Warren Martinez na nahaharap din sa kasong malversation, ang tumakas sa pagtalon sa ilog sa likuran city jail compound na agad naman ding naaresto.

Umabot sa 5th alarm ang nasabing sunog bago ito naapula ganap na alas-11:00 ng gabi.

Samantala, isang apat na taong gulang na lalaki na nakilalang si Jover Navarro ang isinugod sa Navotas City Hospital matapos magtamo ng minor burn.

Ayon kay Arson investigator SFO1 Celso Alivio, Jr., patuloy ang follow-up investigation sa naganap na sunog na tumupok ng P50,000 halaga ng ari-arian.

Agad namang pinagkalooban ng tulong ng local na pamahalaan ng Navotas sa pangunguna ng magkapatid na Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang mga nasunuguan. ROGER PANIZAL

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply