SUPER KUNG MAGNAKAW, TULONG-MEDIKAL IPINAGKAIT

johnny_magalona1035

IAAPELA raw ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Rosario Uriarte sa Sandiganbayan na makapagpiyansa siya sa kasong plunder o pandarambong na isinampa laban sa kanya.

Nakasaad kasi sa 15-pahinang mosyon na isinumite sa anti-graft court First Division na humirit po si Uriarte na payagan siya ng Sandiganbayan na makapagpiyansa dahil sa kanyang sakit o karamdaman.

Bukod pa roon ay nag-demand pa ang kampo ng dating PCSO GM na masailalim siya sa house arrest sa loob ng 6 to 10 months para sa kanyang paggagamot, sang-ayon na rin sa payo ng kanyang doktor dahil sa nakitang tumor sa kanyang dibdib.

Ayon sa doktor ni Uriarte kailangan daw ay sumailalim ang kanyang pasyente sa “neoadjuvant or pre-operatives” chemotherapy bago operahan ang kanyang pasyente.

Kung inyong matatandaan, si Uriarte ang kasama ni dating Pres. na ngayon ay Pampanga Rep.Gloria-Macapagal-Arroyo na kinasuhan ng plunder o pagnanakaw sa Ombudsman noong July 2012 dahil sa maano-malyang paggamit ng pondo ng PCSO na nagkakahalaga ng P366-million.

Ang laki po ‘di ba? Ganun ang mga taong ito kung lumustay ng pera mula sa kaban ng bayan pero ‘yung mga maralita na nakapila sa araw-araw na humihingi ng konting tulong medikal sa PCSO ay pinagmamaramutan ng mga hinayupak na ito.

Ngayon ay gumugulong ang hustisya sa mga maralita. Tama lang na ang mga taong gaya niya ay mabulok sa bilangguan dahil noong mga panahon na nagpapasasa sila sa kaban ng bayan ay nakalimutan nilang tingnan ang mahihirap.

VK SA SAMPALOC, TAMBAYAN NG DURUGISTA

Astig pa rin at parang walang narinig o nakita si MPD-PS4 Staton Commander Supt. Aquino Olivar sa nailatag na mga video-karera na pag-aari ng operator na si alyas Leomar na kalimitang tambayan ng mga nagda-drugs sa buong Sampaloc, Manila.

Patuloy kasing pinoproteksyunan ng mga pulis ni kernel na kinilala lang sa alyas Delantur at Tata Mac ang nasabing “VK King” na si Leomar. Inutil sa dilang inutil ang kapulisan ng PS4.

oOo
Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply