Tambay, dedo sa tandem

DEDBOL isang matandang binata matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem kaninang hatinggabi sa Navotas City.

Dead-on-arrival sa Navotas Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Rommie Manaklay, 40, ng Pat. B de Asis St., Brgy. San Roque ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas ang apat na armadong kalalakihan na pawang nakatakip ang mukha sakay ng dalawang motorsiklong hindi naplakahan.

Sa imbestigasyon, alas-12:20 ng hatinggabi nang maganap ang insidente sa Leongson St., San Roque.

Nabatid na nakatayo sa harapan ng isang sari-sari store ang biktima nang biglang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima na agad nitong iknamatay.

Nakarekober sa pinangyarihan ang apat na empty shell ng ‘di pa batid na kalibre ng baril habang nasa La Funeraria Central na ang bangkay ng bikitma para sa awtopsiya.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon upang matukoy ang motibo sa nasabing krimen. ROGER PANIZAL

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply