Vice Ganda pang-mababaw ang acting!

vice-ganda2

NANGANGARAP din kaya si Vice Ganda na manalo ng acting award?

Parang hindi.

Kasi ang acting naman n’ya sa bawat pelikula n’ya ay yung antics (mga asta) n’ya sa Showtime sa ABS-CBN 2.

Pang-mababaw na comedy ang acting n’ya.

Nagpapapatawa lang talaga.

Walang malalim na pahiwatig.

Tapos, pati naman ang mga producer at direktor n’ya ay parang di rin naman nag-aambisyon na mabigyan at mapagawa siya ng pelikula na pwede n’yang ipanalo ng award.

Parang ang mahalaga lang naman sa kanila ay tumiba sa takilya ang pelikula.

Pero okey lang naman yon.

Hindi naman isang krimen ang kumita sa mga pelikulang gaya ng mga ginagawa ni Vice.

Di naman yon maihahalintulad sa pagprodyus at pagbebenta ng droga.

At malamang naman na di drug pushers at drug users ang mga nalilibang/nahihibang sa mga pelikula ni Vice.

Lesser evil, kumbaga, ang mga pelikula ni Vice!

Gayunpaman, dapat sigurong kumbinsihin ni Vice ang mga prodyuser n’ya na ipagprodyus siya ng pelikula na ang mas matinding layunin ay ipanalo siya ng acting award kesa tumubo ng milyones.

(Dapat ay makuntento muna ang prodyusers na maka-break even, o makatabla lang, sila sa takilya.)

Puwedeng ang pelikula ay yung tipong pang-indie film: yung hindi magiging mistulang isang bayaning bading na ililgtas ang buong bansa at hindi lang ang mga kapwa n’ya ladlad na bading sa buong bansa.

Ang nananalo ng respectable awards ay ang mga pelikulang hindi pormulado ang istorya at paraan ng pagkukwento.

Nitong mga nakaraang taon, ang mas madalas manalo ng award buhat sa independent groups na gaya ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino at Young Critics Circle ay ang indie films.

Tipikal kasi na di pormulado ang indie films, di nagiging bayaning tagapagsalba ng bayan ang pangunahing tauhan, hindi happy-ending ang mga istorya.

Ang dapat sigurong kuning direktor ng movie producers para kay Vice ay yung gumagawa ng indie films na madalas ay sila ring lumilikha at sumusulat ng kuwento/script na isinasapelikula nila.

Mas ambisyon nilang mapuna ng mga kritiko at makapasok sa international film festivals kesa tumipak sa takilya.

Kung walang mainstream producer na gustong mag-invest kay Vice para manalo siya ng reputable acting award, dapat siguro ay siya na mismo ang magprodyus ng pelikula n’ya kahit paminsan-minsan lang.

Tutal, mayaman na naman siya. Sa dalawang milyong piso, pwede na siyang maging indie producer ng sarili n’yang pelikula.

At kung gusto n’ya ng mas malaki pang budget (bukod pa sa sarili n’yang pera), pwede n’yang isali ang pelikula sa mga indie film festival na gaya ng Cinemalaya, QC Film Festival, Sinag Maynila, o To-Farm.

Ha, bakit pati sa To-Farm pwede si Vice? Di ba tungkol sa pagbubukid lang yon. May farmer bang bading?

Aba, puwede naman siyang gumanap na negosyanteng bading na ang negosyo ay may kinalaman sa agrikultura.

At di lang naman tungkol sa pagsasaka ang agrikulura.

Kasama rin sa klasipikasyon ang pangingisda at pagmamay-ari ng mga palaisdaan.

Kasali rin ang paghahayupan. Sakop din ng To-Farm ang agricultural marketing.

At alam n’yo bang ang To-Farm ang may pinakamalaking production subsidy sa tinatanggap nilang limang finalists: P1.5 million sa bawat isa.

At sa grand prize winner, P500K ang premyo.

Di tulad ng Metro Manila Film Fest ngayon, script ang pinapa-submit sa indie film festitvals, hindi ang tapos ng pelikula.

Ayan, Vice, mag-isip-isip ka na. Mangarap ka na nang mas mataas, mas prestihiyoso. Kaya mo yan.

Pero kung di man analo ever ng acting award si Vice, di kami tututol ever kung may magpaparangal sa kanya bilang “Total Entertainer” o kung sa pasosyal (o high fallutine) na Ingles ay “Consumate Entertainer”.

Lahat naman ay ginagawa n’ya sa pag-e-entertain n’ya ng madla. Sing and dance siya, nagpapatawa, at emote kung emote.

Naghu-host din siya sa TV, kung saan siya nagsimulang sumikat nationally.

Siguradong milyun-milyon na ang kinikita ni Vice.

Ibig sabihin kaya nito ay may mga magulang na ngayon na sadyang pinalalaki ang isa man lang sa kanilang mga anak para sumunod sa mga yapak ni Vice?

O hindi na tinututulan ng mga magulang na babading ang mga anak nila dahil baka lumaki itong talentado, sumikat, at maging kasing yaman ni Vice.

Tingnan n’yo nga si Aura (ng Ang Probinsyano ng ABS-CBN 2). Di ba ang ate pa n’ya ang nag-post sa You Tube ng mga bading performance n’ya kaya siya na-discover ng ABS-CBN 2 at isinali siya sa Ang Probinsyano?

Dumating na ang pagbabago dahil sa kabadingan ni Vice Ganda! SHOWBYTES /DANNY VIBAS

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply