2 magkasunod na sunog, sumiklab sa Pasay

fire

DALAWANG magkasunod na sunog ang sumiklab sa Pasay City mula madaling-araw ng Biyernes (February 17).

Unang tinupok ng apoy ang isang bodega sa bahagi ng Taft Ave. Extn. sa Pasay.

Nasunog ang isang gusali na ginagamit na bodega sa likuran lamang ng Baclaran LRT Station.

Ayon sa mga nagtitinda sa lugar, nagkaroon muna ng pagsabog sa SGS Building bago sumiklab ang apoy.

Nagsimula umano ang apoy sa helera ng mga tiangge sa lugar pasado ala-1:00 ng madaling-araw.

Umabot sa 3rd alarm ang sunog at naideklarang fire out pasado alas-5:00 ng umaga.

Nasa P50,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

Samantala, isa pang sunog ang sumiklab sa bahagi ng Davit St., Brgy. 23, Buendia Pasay City.

Nagsimula ang sunog sa isang residential area alas-5:20 ng umaga na umabot sa ikaapat na alarma.

Wala umanong kuryente ang bahay na pinagmulan ng sunog kaya gumagamit ng kandila ang mga nakatira dito.

Naideklara namang under control ang sunog bago mag alas-6:30 ng umaga. -30-

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply