2 taxi driver na gumasaha ng menor, huli

DALAWANG taxi driver ang nahaharap sa kasong rape matapos gahasain ang isang menor-de-edad ng Brgy. Gusa, sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerome Pelicio, 24, ng Casinglot, Tagoloan, Misamis Oriental at isang Jayson Gorres, 20.

Iginiit ng isa sa mga suspek na nakipagnegosasyon sila sa biktimang si alyas Ban-Ban sa hagalang P600 para sa panandaliang aliw.

Itinanggi naman ng biktima ang paratang na isa siyang “babaeng bayaran”.

Aniya, pumara lamang siya ng taxi at wala sa kanilang usapan ang umano’y pagkikipag-sex sa dalawang driver.

Sa ulat ni PO3 Cherry Reyes, head ng Women and Children Protection Desk sa Agora Police Station, inihayag nitong pursigidong maghabla ng kaso ang biktima laban sa mga nang-abuso sa kanya. JOHNNY ARASGA

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply