2 tulak na ‘di nag-remit, itinumba

crime18

PATAY ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek habang nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima kagabi, sa Navotas City.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Jayson Rivera, 32, at Zoren Quesio, 20, kapwa ng Market 3 squatters area Navotas Fish Port Complex.

Sa ulat, pasado 10:05 ng gabi, nagkukwentuhan ang mga biktima nang pasukin ng dalawang lalaking naka-jacket at nakamaskara at walang sabi-sabing pinagbabaril ang dalawa.

Ayon sa pulisya, isa sa mga suspek ang nagsabing “hindi kasi kayo nagre-remit” saka mabilis na tumakas.

Inamin naman ng live-in partner ng nasawi na si Rizza Camille Peñapil na dating gumagamit ng droga ang kanyang asawa pero hindi nagbebenta.

Ayon naman sa mga kaanak ng mga nasawi, maaaring napagkamalan lamang ang mga biktima dahil kilalang mga tulak ang dating nangungupahan sa naturang bahay. ROGER PANIZAL

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply