Alden Richards and Maine Mendoza’s sweetness were all over social media.

ANG dami nilang pakilig, ang daming sweet moments.

Post nang post ang fans nila ng kanilang ka-sweet-an.

There was even one video which showed them dancing.

But some fans felt na it was all for show.

Kasi nga naman, simula na ang teleserye nila and some thought it was a make or break project.

“Dahil sa TS nila, kailangan magkunwari silang close offcam dahil ‘yan ang utos ng management nila!” tili ng isan fan.

“Tanga na lang ang maniniwala sa promotion nila. Sa lahat na nag pro-promote sila lang ang ang desperado,” said another fan.

“’Yun naman kasi ang reason ng lahat ng level up daw na yan. Just like IYAM days. Achieve unlock daw ‘yung sa IG ni Alden na nag pic si M. Dah!” say naman ng isa pang faney.

***

Nag-venture na pala sa business ang lead star ng A Love To Last na si Bea Alonzo.

Part owner si Bea ng Big D’s Smokehouse, isang casual resto na nagbukas sa Venice Grand Canal, Mckinley Hills, The Fort recently.

Actually, it was Bea’s director-friend, Cathy-Garcia Molina who introduced her to Big D’s Smokehouse.

Nagustuhan naman niya ang mga sosyal na food kaya naman she decided to invest.

Say ng chef na si Dino Paulo Peralta na siyang nag-start ng business na ito, matipid kumain si Bea.

Among the food in the menu that she likes ay ang smoked ribs na 9 to ten hours pala na pinalalambot.

Still on Bea, kitang-kita ang hesitation niya bilang Andeng sa A Love To Last dahil sa kanya pinaaasikaso ang debut ng anak ni Anton (Ian Veneracion) na si Julia Barretto.

Sa kanya nakikipag-coordinate si Grace (Iza Calzad), na ex-wife ni Anton.

Samantala, kinausap nang masinsinan ni Totoy (Xian Lim) si Anton about Andeng. He unabashedly asked Anton kung mahal nito si Bea.
***
Umeepal itong si Alfred Vargas.

Iyan ang feeling ng netizens dahil nakisawsaw ito sa accident na nangyari sa ilang kabataan na papunta sa field trip.

“I will not allow this accident to just become part of statistics. I’ll do everything I can in my power to make sure this does not happen again. This office will be the focal point in ensuring all the needspof the victims and their families are meant, their rights protected and justice served fair and fast,” say ni congressman Alfred Vargas sa isang statement.

“Sawsaw suka mahuli taya :) sakay pa Alfred.”

Eepal pulitiko as usual,” say ng isa pa.

“I’ll do everything I can in my power to make sure this does not happen again.” Ano pong tinutukoy nyo? ‘Yung aksidente? Ang sarap pakinggan pero pano n’yo po gagawin?”

“Oo nga! Ano’ng gagawin nya at paano?” susog naman ng isa pa.

‘Yan ang mga pananaray ng netizens kay Alfred. UNCUT/ALEX BROSAS

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply