Army major, 1 sundalo tigok sa pananambang

crime-9

NALAGAS sa pananambang ang isang Philippine Army major at isa pang sundalo nang ratratin ng mga armadong kalalakihian ang kanilang sinasakyang Isuzu Crosswind nitong Huwebes ng hapon.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang sina Maj. Jerico Mangulas na miyembro ng PMA Class 2002 at si Cpl. Bryan Libot.

Habang sugatan naman si Cpl. Rolando Cartilla na kasalukuyang ginagamot sa Amal Pakpak Hospital sa Marawi City.

Ayon sa report ng military, lulan sa nasabing sasakyan ang mga tauhan ng Military Intelligence Group (MIG-10) na magsasagawa ng intelligence operations nang pagbabarilin ng mga local terrorist group sa Brgy. Lilod Mandaya, Marawi City.

Nakaganti pa ang mga sundalo ng putok sa mga bandidong grupo na umabot sa 10-minutong labanan.

Nakapagtala naman ng undetermined numbers of casualties sa panig ng lawless terrorist group.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang hot-pursuit operations ng 65th Infantry Battalion.

Nagsagawa na rin ngayon ng checkpoint operations ang militar sa lugar. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply