Ayaw magsalita tungkol sa pera!

UMAMIN na rin sa wakas si Erich Gonzales sa nababalitang hiwalayan nila ng longtime Brapenese model-bf na si Daniel Matsunaga.

Very much on pa ang dalawa habang umeere pa ang kanilang seryeng “Be My Lady”, subali’t nitong nakaraang linggo, nabulabog ang DanRich supporters dahil sa balitang naghiwalay na ang dalawa?

Sa panayam sa kanya pagkatapos niyang mag-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN, hindi idinenay ng aktres na totoong hiwalay na nga sila ng bf.

“It’s true po na we are not together anymore. It’s over. To be honest po, ayaw ko po sanang mag-detalye. I just want to move on. Hindi po kami nag-uusap. It’s not true that we are talking. Hindi po kami magkaibigan. Walang third party po,” pahayag ni Erich.

‘Yun nga lang, hindi sinagot ni Erich ang tunay na dahilan kung bakit bigla silang nagsaulian ng kandila ng syotang Brazilian-Japanese ang lahi.

Wala daw third party at hindi rin daw pera ang ugat ng kanilang isyu?

“I think I just have to accept na may mga bagay po talagang we cannot control. Life goes on. (‘Yung)Tungkol sa pera, ayaw ko na po magdetalye tungkol diyan. Like what I said, I just really want to move on,” ani Erich

Ang kanyang pamilya at mga kaibigan ang pinaghuhugutan niya ng lakas at suporta sa kanyang pinagdaraanan sa ngayon..

“Of course, nandiyan po ‘yung pamilya natin, mga kaibigan natin, ‘yung mga supporters po natin. Thankful po ako dahil yung loyalty nila laging nandiyan. Siyempre po yung Diyos, siya naman po ang nakakaalam ng lahat.” Sinabi pa ng dalaga na sadya niyang iniwasang magpahayag ng damdamin sa kaninuman o sa social media dahil baka raw mas lalong lumala ang situwasyon ‘pag ang isa’y nagsasalita.

“For a time po. I don’t really read any comments na. People will believe what they want to believe. Like what I said, kami lang naman po talaga ang nakaaalam ng totoo.”

Inamin ni Erich totoong binura niya ang lahat ng mga larawan nila ni Daniel sa kanyang mga social media account na aniya’y isang paraan para sa kanyang moving on.

“I deleted the photos. I unfollowed them (pamilya ni Daniel). I just want to help myself,” emos- yonal nitong paliwanag.

Sa wari’y sobrang nasaktan ang dalaga dahil hindi pa raw ito handang tanggapin o ituring muli bilang kaibigan si Daniel Matsunaga.

“Sa nararamdaman ko po ngayon, hindi po. I don’t want to say anything more. I just want to move on, I hope you understand,” pag- tatapos pa ni Erich.

—@@@—-

Kaugnay ng hiwalayang Daniel-Erich, ang ipinagtataka namin ay ang pag-iwas ni Erich na magbigay ng pahayag tungkol sa usaping pera? Hindi naman daw third party at naniniwala kami roon dahil wala ngang natsismis kay Daniel in their 4 yerars of being a couple?

Sa puntong pera naman, may tsismis kasi (how true, Mercy L.?) na ayaw daw pumayag ni Daniel na mas malaki ang share ng nobya sa napanalunan nilang One Million plus na cash sa paglalaro nila ng “Minute To Win It” lately?

Dito na raw na-turned off ang aktres dahil sa inasal ng kanyang bf?

But this is still rumor at unverified reports pa rin ito dahil ayaw magsalita ng sinuman sa isyung-pananalapi.

Come to think of it, serious matters nga kung ang pera ang nakataya. What more ‘pag nagsasama na ang magkarelasyon, ‘di ba? ADORE-ABLE/ADOR SALUTA

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply