Bebot, itinumba sa Maynila

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District (MPD) ang pagkamatay ng isang babaeng binaril sa riles ng tren sa Tondo, Maynila kaninang madaling-araw (Lunes).

Inilarawan ang biktimang may edad 20-25, May taas na 5″1, katamtaman ang pangangatawan, naka-blue jacket, pink T-shirt, at tsinelas.

Sa report ni Supt. Alex Daniel, hepe ng MPD-Station 7, nanonood ang isang Mark Torregoza, 27, dakong 1:30 ng madaling-araw, ng 980 Hermosa St., Tondo, nang nakarinig siya ng sunod-sunod na putok.

Pinuntahan niya ang pinanggalingan ng putok kung saan nakita niya ang babaeng nakadapa at duguan sa may riles ng tren.

Dahil dito, agad niyang ini-report sa tanod ng Barangay 200 na siyang nag-report sa pulis.

Limang basyo ng kalibre .45 at cellphone ang narekober sa crime scene.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pagpatay. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply