Bilbiling Mandaluyong mas pinaganda

ash ortega

AKALA mo’y nanonood ka ng international pageant nang nanonood kami ng Miss Mandaluyong 2017 kamakailan.

Kasi, gamit nila ang naglalakihang LED screen on stage na tulad nang ginamit sa nakaraang Miss Universe 2016 sa SM MOA Arena.

Talagang may woman touch ni Mayor Menchie Abalos ang pageant dahil lahat nang contestants ay magaganda, tulad din sa Miss Universe na wala kang itatapos na kandidata.

Ang mga damit nilang ginamit ay pawang likha ng mga pangunahing couturier ngayon na inirampa sa swimwear at gown competitions.

Bago lahat ang damit at panay uso ngayon ang mga design.

Sa speech ni Mayor Menchie, nasabi niyang gusto niyang magkaroon ng national costume portion ang Miss Mandaluyong next year.

Maaaring na-influence siya ng Miss Universe dahil nasabi niya sa speech niya na nanood siya ng preliminaries sa SM MOA Arena.

Namangha siya sa mga costume ng mga kandidata na nagpapakikita ng culture ng kanilang bansa.

Gusto rin ni Mayor Menchie na irepresent ng bawat kandidata ang kanilang barangay na pinanggalingan.

May kanya-kanyang katangian ang bawat barangay ng Mandaluyong na puedeng emphasize sa pageant.

Sa panel of judges nakita namin ang reigning Miss International na si Kylie Versoza at ang beauty queen maker na si Jonas Gaffud na manager ngayon nina Pia Wurtzbach, Maxine Medina at Maegan Young.

Ang mga naggagandahang 28 candidates ng Miss Mandaluyong 2017 ay nagkatalo lang sa question and answer sa top 10 at top 5.

Kahit ang pinakamaganda at pinakamatangkad na kandidata ay maaaring lumugwak sa contest kapag mali ang sagot.

Nahirang na Miss Mandaluyong 2017 ay tumanggap ng premyong P200,000 cash at ang barangay na inirepresent niya ay tumanggap ng P50,000.

Nahirang na Miss Mandaluyong ay si Daniella Mariz G. Lamptey ng Barangay Buayang Bato. Siya’y 18 years old, 5’7” at may vital statistic na 34-24-36.

English speaking at black beauty si Daniella at sa kanyang final answer ay nasabi niyang ang pagpintas sa kanyang kulay ay naging daan para siya lalo pang magpursige sa buhay at maging successful beauty queen.

Gusto niyang sumali sa national beauty contest.

Ash Ortega: Bida sa pinakabonggang commercial

NAPAWA-WOW kami kay Ash Ortega nang mapanood namin sa wide screen ang bagong TV commercial ng Jollibee na pang-Valentine’s Day na simulang ipalalabas sa You.tube sa February 9, starting at 3 p.m.

Ang title ng commercial ay “Crush.” Ang dalawa pang ipalalabas simultenuously ng food chain ay ang may mga titulong “Vows” at “Date.”

Maunang ire-release sa You.tube ang “Vows” Feb. 7, samantalang ang “Date” ay Feb.8.

Maraming humanga sa audience na karamihan ay taga-mass media sa episode na “Crush” ni Ash at katambal niya ang baguhang actor na galing ng Los Angeles, California. 15 years naninirahan ng USA si Enrico at doon siya nag-aral.

Busy siya ngayon sa theater arts at commercial modeling sa bansa ngayon.

Bale biggest break ni Ash ang commercial ng Jollibee dahil solo lead siya.

Although, maraming commercial nang nagawa si Ash for TV, isa sa memorable sa actress ay ang Ariel.

Pinakamatagal na ipinalabas ang Ariel commercial noon na second lead siya.

Sa “Crush” commercial, talagang mapapansin ang beauty at acting talent ni Ash.

Dalawa ang leading men niya. Isang nerd student na role ni Enrico na talagang nag-pursue sa kanya pero torpe o tameme naman at isang basketbolista na malakas ang dating at mabilis sa girls.

Mas mahaba ang exposure nina Ash at Enrico, samantalang sa bandang ending lang sumulpot ang basketbolista. Period film ang commercial na 80s ang motif.

Kita rito sa damit at ayos ng mga artista at pati ng kapaligiran. Nagkalapit sila nung una dahil sa Yummy humburger.
***
SAMANTALA, ang Bilbiling Mandaluyong 2017 ay ginawang mas makulay at perfect na palabas na kapupulatan ng aral na maging makato-tohanan na dapat sila’y magbawas ng timbang at maging healthy ang living.

Pero kahit sila’y mataba ay may natatanging quality rin sa buhay dahil silang ulirang ina at anak din.

Ayon kay Mayor Menchie Abalos, ang susunod na Bilbiling Mandaluyong ay magkakaroon na rin ang national costume category.

Siempre irerepresent niya ang bawat barangay.

Ang nanalong Bilbiling Mandaluyong 2017 ay nag-uwi ng P100,000 cash.

Ang tinanghal na Bilbiling Mandaluyong ay si Meann Martinez, married, may dalawang anak ng Barangay Pleasant Hills.

Dating scholar sa Rizal Technological University sa Mandaluyong.

Sa limang finalist, si Meann lang ang nakasagot ng tama tungkol sa katanungan hinggil sa gagawin sa kapwa niya.

Pinalakpakan ang kanyang kasagutan nang husto. ON THE SET/ NELSON ASINAS 

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply