Celebrity designer na si Pepsi Herrera, pumanaw na

SUMAKABILANG-BUHAY na ang sikat na fashion designer sa bansa na si Pepsi Herrera dahil sa cardiac arrest sa edad na 56, Biyernes ng umaga.

Agad namang na-cremate ang kanyang mga labi, Biyernes ng hapon, at nagsimula naman ang public viewing sa kanyang urn alas-7:00 ng gabi ng Biyernes.

Magpapatuloy ang public viewing sa buong araw ng Sabado, February 11, at ililibing naman ang kaniyang mga abo sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

Kilala si Pepsi Herrera sa pagdidisenyo niya ng mga magagarbong damit para sa mga artista tulad nina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Kris Aquino at maraming iba pa.

Madalas rin siyang nagdidisenyo para sa mga dumadalo sa sikat na Star Magic Ball.

Bumuhos naman ang pakikiramay sa social media mula sa mga celebrities na minsan o madalas na nagsusuot ng kanyang mga obra. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply