Charo, Jaclyn, Allen at Paolo, wagi sa 15th Gawad Tanglaw

WAGI sa 15 th Gawad Tanglaw awards sina Charo Santos para sa “Ang Babaeng Humayo” at Jaclyn Jose para sa “Ma Rosa” sa kategoryang best actress, samantalang nag-tie rin sina Paolo Ballesteros para sa “Die Beautiful” at Allen Dizon para sa “Iadya Mo Kami” sa best actor race.

Tinanghal namang best director si Lav Diaz na ang dalawang obrang “Ang Babaeng Humayo” at “Hele sa Hiwagang Hapis” ay gumawa ng kasaysayan nang kapuwa nagwagi ng international awards sa Venice at Berlin International Film Festivals.

Tatlo namang pelikula ang nanalong best films. Ito ay ang “Hele sa Hiwagang Hapis”, “Ang Babaeng Humayo” at “Pamilya Ordinaryo”.

Ang iba pang nanalo ay sina Susan Africa ng “Hele sa Hiwagang Hapis” at Aiko Melendez ng “Iadya Mo Kami” para sa best supporting actress category.

Tie rin sina Xian Lim para sa “Everything About Her” at Jess Mendoza para sa “Pauwi Na” at “Purgatoryo” para sa kategoryang best supporting actor.

Sophie Albert, hindi magqui-quit sa showbiz

Isa si Sophie Albert sa mga homegrown talents ng TV5 dahil siya ang tinanghal na best actress noon sa Artista Academy, ang kauna-unahang artista search ng nasabing network.

Maraming plano sa kanya ang Singko pero hindi lahat ito nag-materialize dahil nag-pokus sa sports shows ang nasabing istasyon.

Hindi naman idinenay ni Sophie na na-depressed siya dahil sa kawalan ng proyekto sa naturang kumpanya kaya naisip niya na i-give up na lang ang kanyang career sa showbusiness.

Pero, maituturing niyang blessing in disguise ang offer sa kanyang pagle-lead sa pelikulang “Moonlight Over Baler”.

“Dahil nga sa project na ito, nabago ang lahat. Hindi ko na talaga ipu-pursue ang pag-aartista ko pero noong i-offer sa akin iyong role at nabasa ko iyong istorya, naalala ko na ito iyong gusto kong gawin, kaya ako napa-oo,” ani Sophie .

Dugtong pa niya, ang kanyang pag-aartista sa ngayon ay hindi isang one-shot deal, subok lang o naka-depende lang sa kalalabasan sa box office ng kanyang launching movie.

“Na-realize ko na ito talaga ang gusto kong gawin. Nag-change na ako ng manager at si Tito Manny Valera na nga. Nag-change na everything. Hopefully, magtuloy-tuloy na siya,” sey niya.

Naging isyu rin kamakailan ang magkataliwas na pahayag nina Vin at Sophie tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Iginiit ng isa na nangyari ang kanilang hiwalayan bago pa man sila mag-shoot ng “Moonlight Over Baler” samantalang ang isa ay nagsabing nag-break sila noong ginagawa na nila ang pelikula.

Dahil dito, maraming nagdududa kung talaga bang naghiwalay na nga sila.

Ayon pa kay Sophie, gusto rin niyang masubukang maipareha sa iba’t ibang aktor maliban kay Vin para lumawak ang kanyang karanasan.

Papel ng batang Fidela na ginagampanan ni Elizabeth Oropesa ang senior counterpart ang role ni Sophie sa “Moonlight Over Baler”.

Nagkahiwalay sila ng kanyang sundalong nobyo noong

WWII pero umasa pa rin siyang babalik pa rin sa kanya ang nawawalang kasintahan.

Ang “Moonlight Over Baler”, na pre-Valentine presentation ng TRex Films ay isang kuwento ng wagas ng pagmamahalan na sinubok ng panahon. Ito ay mula sa iskrip ng Palanca-award winning director na si Eric Ramos at sa direksyon ng beteranong director na si Gil Portes.  CHIKKA PA MORE/ ARCHIE LIAO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply