Di makuntento sa isang babae!

erich-gonzales4

HANGGANG ngayon ay nahihiwagaan kami sa break-up nina Erich Gonzales at ng modelong aktor na si Daniel Matsunaga.

Ano’t bigla na lamang waley na sila pagkatapos madala ang magandang Davaoena actress sa Brazil kung saan naroon ang parents ni Daniel at mga kapatid nito upang ipakilala na si Erich na nga ang pakakasalan nito.

Aba’y masaya pa ang dalawa habang nasa bansa ng Brazil at nangarap na nga si Daniel na sa Pilipinas na niya patitirahin ang pamilya nito.

Nang makabalik na sa Pinas ay bumulaga sa amin ang balita na hiwalay na sila at ang daming nag-comment nang hindi maganda kaagad kay Daniel na kesyo pera ang dahilan at nasaid ang savings ng aktres sa kagagastos sa pamilya nito habang nasa Brazil sila.

But in fairness to Daniel, meron naman itong pinagkakakitaan. Marami rin naman itong raket at negosyo sabi ng kanyang kababayang modelo rin. Ang iba ay binalikan raw nito ang lover niyang mayamang beki.

Hindi raw pera.

Hindi naman daw third party ang kanilang break-up. Walang sinabi si Erich tungkol sa pera o ang third party na sinasabi ng marami.

Tanging sila lamang ni Daniel ang nakaaalam sa kanilang sitwasyon.

Walang third party? Tanong ng fan ni Erich na naka-arko pa ang kilay.

Eh, ano itong kumakalat na balita na napagkikita sina Daniel at ang tabatsingtsing na si Kat de Castro sa mga showbiz function?

Pag-iisipan nga naman na meron talagang third party at ito ang dahilan ng break-up ng magpapakasal na sanang sina Daniel at Erich.

Hindi ang pera at lalong hindi rin bakla ang dahilan. Mas mabuti pang ipaliwanag ng dalawa na dating magkasintahan ang hiwalayan nila.

-0-

Malapit na pala ang valentines day.

Tuwing sasapit ang ang araw na ito ng mga puso, naaalaala namin ang kuwento ng isang movie writer na sanggang dikit kay directed by.

Halos gabi-gabi ay laman sila ng mga girlie club diyan sa Timog at kung minsan naman, sa Malate Manila.

Si direk ay lapitin talaga ng mga bobay (babae). Mabait kasi at generous. Ang forte ni direk ay mapuputi rin at makikinis ang balat at siyempre pa ang face value.

Marami siyang napupusuan mapa-artista, models, beauty queen pa ang iba.

Bisperas ng valentine ay may ipinagawa si direk sa kanyang friend.

Meron kasi itong kinursunadang model ng club na ubod talaga ng ganda at hanep sa sex appeal.

Ipinakiusap ni direk ang model sa manager ng club kung pwede itong ma-itable at pwede naman daw dahil ang mga girlie sideline nila ang tumeybol at kikita sila ng malaki.

300 pesos per 30 minutes.

Ganun kamahal.

Hindi na pinayagan ni direk ang girl na magpalipat-lipat sa ibang table at sa kanya lang siya.

Sa madaling sabi, inutusan ni direk ang kanyang friendship na bumili ng mga roses chocolates at white wine at isusunod nila sa bahay nito dahil nakauwi na ang kursunadang girl.

Sinundan nila ito sa bahay at kumatok ang friend ni direk at bumulaga sa kanila ang isang macho at may bitbit na baril.

Iyon pala’y naunahan na sila ng ibang customer.

Kumaripas ng takbo ang friend na dala pa rin ang dapat pasalubong na chocolates, roses at white wine.

Nang tanungin ni direk na kung bakit nasa kaibigan pa niya ang roses, chocolates at white wine, sagot naman nito na tara direk merong humahabol sa akin na may baril.

Nataranta rin ang direk at sumakay na sa kotse.

Takot din pala ang directed by.

Gusto niyong malaman kung sino si direk? Babae rin siya at hindi na active sa pagiging director. Ha!Ha!Ha!Ha! Ciao Bambino! MEMORABILIA/ MATUK ASTORGA

 

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply