Diego Loyzaga, lumalaban sa amang si Cesar Montano

DAHIL sa mga pangakong napako at ang pagtanggi raw sa kanya noon bilang anak, ngayon ay inilalabas na ni Diego Loyzaga ang kanyang mga hinampo sa kanyang amang si Cesar Montano.

Tinawag pa niyang ipokrito ang kanyang tatay.

Marami raw siyang alam sa kanyang ama na puwede niyang ibulgar.

Mukhang hindi nahawakan ng maayos ni Buboy ang kanyang ginawang malaking pamilya.

Marami naman tayong kilalang mga aktor na nagparami rin ng anak sa iba’t ibang babae pero na-handle nilang mabuti ang mga ito.

Halimbawa na lamang diyan ang dating senador at Agimat King na si Ramon Revilla, Sr. kahit sandamakmak ang ipinunla nitong lahi, kuntento naman ang mga ito, gayundin ang yumaong Comedy King Dolphy.

Si Manoy Eddie (Garcia) na wala ni isa man ang nagreklamo sa kanyang pamilya, at marami pang mga aktor na talagang hindi nagpabaya sa kanilang obligasyon.
***
Megan Young madalas kagatin ng ina

Ipinakita ni Megan Young sa kanyang Instagram post ang larawan na naka-two piece siya.

Pabiro rin niyang sinabi na ang mga birthmark na makikita sa kanyang katawan ay gawa ng kanyang mommy.

Noong bata pa raw siya ay madalas siyang kagatin ng kanyang ina dahil sa panggigigil sa kanya.

Ang scar naman sa ibaba ng kanyang tiyan ay gawa ng operasyon nang tanggalin ang kanyang appendix.
***

ANNE BIBIDA SA LOVE MONTH CELEBRATION NG CINEMA ONE

Pangungunahan ng pambansang sweetheart na si Anne Curtis ang lovefest na magaganap buong buwan sa Cinema One bilang Choice Artist ngayong Pebrero.

Tunghayan ang ang Kapamilya actress bilang mayaman at magandang si Michelle katambal ang karakter na ginampanan ni Aga Muhlach sa “When Love Begins” sa Pebrero 10.

Tumawa kasama si Anne at Ai Ai Delas Alas sa hit comedy “Ang Cute ng Ina Mo” sa Pebrero 17 at muling balikan ang iconic lines ng kanyang kaakit-akit na karakter na si Kara sa “No Other Woman” sa Pebrero 24.

Bukod kay Anne, sasali rin sa kilig fest si Angel Locsin dahil mapapanood ang pelikula niyang “Third Party” sa “Blockbuster Sundays” ng Cinema One sa Pebrero 25.

Tampok sa “Third Party” ang komplikadong relasyon ni Andi (Angel Locsin) kasama ang kaniyang ex na si Max (Sam Milby), at ang kasalukuyang boyfriend nito na si Christian (Zanjoe Marudo).

Susundan ito ng iba pang blockbuster films tulad ng “That Thing Called Tanga Na” (Feb 12), at Tagalized na “Montage” (Feb 19) na mapapanood din Linggo ng gabi, 8PM.

Samantala, tunghayan ang mga makukulit na love stories na tampok na romantic-comedy flicks ng Cinema One na “Status It’s Complicated” (Pebrero 7), “Love Is Blind” (Pebrero 14), “Always Be My Maybe” (Pebrero 21), at “I Love You to Death” (Pebrero 28).

Mula sa nakakabaliw na mga kuwentong pag-ibig hanggang sa mga istoryang magpahanggang wakas, ihinahandog ng Cinema One ang mga pelikulang siguradong magpapaluha sa mga manonood tulad ng “Forever and a Day” (Pebrero 8) nina Sam Milby at KC Concepcion, “Hihintayin Kita sa Langit” (Pebrero 15) nina Richard Gomez at Dawn Zulueta, at “Nasaan Ka Man” (Pebrero 22) nina Claudine Barretto, Jericho Rosales, at Diether Ocampo.

Hindi rin magpapahuli ang Romance Central ng Cinema One sa kanilang mga pelikulang may mga ‘di malilimutang theme songs sa bawat Linggo ng Pebrero sa ganap na 6PM.

Balikan muli ang kuwento nina Mace (Angelica Panganiban) at Anthony (JM de Guzman), dalawang etranghero na naglakbay papuntang Baguio at Sagada para makalimutan ang kanilang pagkabigo sa pag-ibig sa “That Thing Called Tadhana” sa Pebrero 12, kiligin sa kwento nina Trixie David (Sarah Geronimo) at ang sikat na rock star na si Gino Avila (Piolo Pascual) sa “The Breakup Playlist” sa Pebrero 19; at sariwain ang pag-iibigan nina Lino (Piolo Pascual) at Jenny (Claudine Barretto) na makakahanap ng kaligayahan sa isa’t isa sa “Milan” sa February 26.

Ang Cinema One, ang numero unong cable channel sa bansa ay pagmamayari at ino-ioperate ng ABS-CBN Cable Channels, isang subsidiary ng ABS-CBN Corporation.

Ang programming ng network ay binubuo ng line-up ng mainstream at independent local at foreign films, film related programming, at orihinal na content para sa telebisyon.

Ang Cinema One ay nasa Skycable channel 56, Destiny Cable Analog 37 and Digital 57. Para sa buong skedyul ng mga pelikula ng Cinema One, i-like ang Cinema1channel sa Facebook (facebook.com/Cinema1channel).
***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply