Diego Loyzaga, nanganganib ang career

diego-loyzaga1

KAHIT pa dinelete na ng Kapamilya actor na si Diego Loyzaga ang kanyang mga ‘rant’ sa kanyang amang si Cesar Montano, kumalat na ito sa social media at mananatili na ito sa kamalayan ng mga netizens.

Sa kultura kasi natin, ayaw ng mga Pinoy ang mga anak na walang galang sa kanilang mga magulang kahit pa sabihing may pagkukulang ang isang ama.

Ang pagbalandra ng kanilang baho sa publiko ay hindi dapat ikinakalat lalo na’t kung puwede naman itong pag-usapan.

Kung laki man ng Australia si Diego at naniniwala siya sa freedom of expression, dapat niyang malaman na nasa Pilipinas siya at sa pananaw ng mga Pinoy ang paglapastangan ng isang anak sa kanyang mga magulang ay isang malaking kasalanan.

Ang kanyang hamon na ipadampot siya ng ama sa mga pulis dahil sa suspetsang gumagamit siya ng droga ay nagbigay rin ng impresyon na may dinadala ang binata at tila may karga kaya negang-nega ang kanyang dating, kahit pa nagpakita pa siya ng pruwebang negatibo siya sa drug tests.

Sa kanyang ‘rant’, idinamay pa niya ang sentimyento ng kanyang mga kapatid sa ama sa disgusto sa premyadong actor na Tourism Promotions Officer na ngayon.

May mga nagsasabi ring ill-advised si Diego o kaya naman ay wala ba itong manager na gumagabay sa kanya bago siya mag-post ng kanyang mga sentimeyento sa social media.

Sa kaso naman ni Cesar, nangahulugan ito ng pag-uungkat ng kanyang nakaraan lalo na tungkol sa isyu ng pagpapakamatay ng anak nitong si Christian Angelo lalo pa’t nakahanap ng kakampi si Diego sa mga kapatid nito, pati na sa ex nitong si Sunshine Cruz at maging sa bagong boyfriend nitong ni Macky Mathay.

Mga kalahok sa Cinemaone Originals, hahataw sa Osaka Asian Film Festival

Hahataw sa 2017 Osaka Asian Film Festival sa darating na Marso ang dalawang Cinemaone Originals movies.

Ang “Tisay” ni Borgy Torre ay kalahok sa main competition samantalang ang “Baka Bukas” ni Samantha Lee ay ipalalabas sa New Action Southeast Asia section ng naturang film festival.

Si Jasmine Curtis-Smith ay nanalong best actress sa pelikulang “Baka Bukas” noong nakaraang taon kung saan gumanap siya bilang isang lesbiyana.

OMB, nakipagtulungan sa FDCP

Lumagda ng kasunduan ang Film Development Council of the Philippines at ang Optical Media Board kamakailan kung saan mapapadali na ang pagbibigay ng clearance ng huli sa Pinoy filmmakers at producers na lalahok sa mga international film festivals at maging sa mga cultural exchange programs.

Bago kasi ipalabas ang isang pelikula sa ibang bansa, kailangang dumaan pa ito sa Optical Media Board para sa clearance for export purposes.

Ayon sa kasunduan, ang FDCP na sa pamamagitan ng hepe nitong si Liza Diño ang magbibigay ng clearance sa mga pelikulang ipalalabas sa international film festivals at maging doon sa mga bahagi ng cultural exchange programs.

Ang MOA ay pinirmahan ni FDCP Chair Liza Diño at OMB Chair Anselmo Adriano noong Anti-Piracy Information Campaign ng nasabing ahensiya na ginanap sa Meycauayan National High School sa Bulacan.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com. CHIKKA PA MORE/ARCHIE LIAO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply