Flagdown rate sa taxi, balik P40 na

EPEKTIBO ngayong Lunes, February 13, ang pagbalik sa P40 ng flagdown rate sa taxi sa buong bansa.

Sa abiso ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), P40 na muli ang flagdown rate sa taxi sa unang 500 metro ng biyahe.

Wala namang magiging paggalaw sa succeeding meters at waiting time.

Iiral ang P40 flagdown rate sa taxi sa buong bansa maliban ang sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Para sa CAR, P35 pa rin ang flagdown rate sa taxi para sa unang 400 meters. JOHNNY ARASGA

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply