FOI Bill, oks na sa Kamara

APRUBADO na sa House Committee on Information ang Freedom of Information Bill matapos ang isang unanimous vote dito ng mga miyembro ng lupon.

Batay sa consolidated version ng FOI bill na naipasa sa komite, binibigyang-kautusan ang lahat ng ahensya ng gobyerno ang awtomatikong paglalabas ng impormasyon kasama ang mga kontratang pinasok ng mga ito hanggang sa Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALN) ng mga opisyal.

Magiging limitasyon lamang sa paglalabas ng impormasyon ang mga nasa nationl security at foreign policy, personal privacy, on going criminal investigation at business trade secrets.

Itinatakda rin sa panukala na kailangang sa loob ng 15-araw ay obligado ang mga opisyal na sagutin at tugunan ang request for information.

Kung ibabasura naman request ay dapat magkaroon ng mahusay na paliwanag at basehan.

Ang mga opisyal naman na lalabag sakaling ito ay maging batas ay mahaharap sa kasong administratibo, pagkaalis sa serbisyo, kasong kriminal at kasong sibil.

Sinabi ni ACT TEACHER Party-list Rep. Antonio Tinio, chairman ng komite, na umaasa siyang maisasalang ang FOI bill sa plenaryo para sa sponsorship kahit abala ang Malaking Kapulungan ng Kongreso sa paglatakay death penalty bill.

Malaki ang tiwala ng kongresista na mapagtitibay ito ngayong 17th Congress dahil ito ay suportado ni House Speaker Pantaleon Alvarez. MELIZA MALUNTAG

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply