Gordon ng Rockets, bagong 3-point king

SI Eric Gordon ng Houston Rockets ang bagong three-point king ng NBA sa JBL Three-Point Contest sa NBA All-Star Saturday.

Tinalo ni Gordon ang pambato ng Cleveland Cavaliers na si Kyrie Irving.

Pero bago ito, kapwa nakapagtala ng 20 points sina Gordon at Irving sa final round, matapos na bigong ma-convert ng sixth man ng Rockets ang money-ball sa kanyang huling rack.

Kumamada si Irving ng 18 points sa “overtime period”, pero nakapagposte si Gordon ng 21 points, kahit pa sablay muli ang final money ball nito.

Samantala, na-eliminate agad ang reigning champion na si Klay Thompson ng Golden State Warriors sa first round pa lamang matapos na tumipa ng 18 points, kinapos ng isang puntos sa naitala ni Kemba Walker para sana makausad sa susunod na round.

Kabilang sa nakibahagi sa exhibition na ito sina Kyle Lowry ng Toronto Raptors, Wes Matthews ng Dallas Mavericks, CJ McCollum ng Portland Trailblazers at Nick Young ng Los Angeles Lakers. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply