John Lloyd at Ellen Adarna, nakita sa lobby ng hotel

ellen john lloyd

MULA sa News Alert ng Philippine Entertainment Portal (PEP.Ph) ay nakuha namin ang breaking news na ito na as of this writing, (February 6 10 pm) ilang oras lang ang nakalilipas ay may nakakita kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na nasa lobby ng EDSA Shangri-La Hotel.

Ayon sa source, tila nakapambahay lamang daw si John Lloyd samantala seksing seksi sa kanyang shorts si Ellen na naka-heel daw ito ng sapatos.

Matatandaang sa ginanap na presscon ng Home Sweetie Home ay napag-alamang high school pa itong si Ellen ay nagkakilala na sila ni Lloydie nang nagkaroon ng show sa Cebu ang aktor at kasama pa raw nito si Luis Manzano noon.

Naging hot item din ang dalawa nang kumalat sa social media ang kanilang picture na magkatabing nakaupo.

So, puwedeng sabihing kilala na ng dalawa ang bawa’t isa pero hindi naman sila nabalita na nagkaigihan o nagka-inlaban pero sa pagkaka-taong ito na nagbigay ng pahayag si Ellen na puwede siyang magpa-buntis sa isang guwapong lalaki kahit walang kasalan na mgaganap.

Sa parte naman ni Lloydie ay wala pang planong mag-asawa pero gustong-gusto na raw ng kanyang lola na magkaanak ito kahit walang kasal.

Well, abangan na lang ang susunod na kabanata.

BAE-BY BASTI, TIPO ANG KAGANDAHAN NI BIANCA

Blame me, isa kasi kami sa sobrang nakyutan sa launching ng Baby Bench noong Sabado sa Glorietta kaya di namin natanong kung ilang gulang na si Baeby Basti na ang balita ay may type pala ito.

Impressive talaga ang batang GenSan dahil professional na ito sa kanyang pinaggagawa sa stage, hindi siya nagpa-upstage sa host, sumasayaw na ang peg ay the late Ike Lozada at take note, kumanta ito ng Kisses and Closer na hit ng Chain-Smokers with matching pa-sigaw-sigaw na “Sing with me mga Bisaya!” ang kyut talaga.

Malaki talaga ang nagawa sa kanya ng Eat Bulaga sa araw-araw nitong partisipasyon sa nasabing noontime show.

Speaking of crush, inamin nitong si Bianca Umali ang kanyang natitipuhan dahil ‘guwapa’ daw ito sa salitang Bisaya.

Ang nakakalokah, kaya raw siya hinihiyawan tuwing nasa stage ay dahil guwapo siya pero nang tanungin siya tungkol kay Bianca ay inamin nito na nagkaharap na raw sila kaya lang ang sabi sa kanya ay pangit daw ito.

Maliban sa kanya, celebrity kiddie endorsers rin ang Concio sisters na sina Julia at Talia na ayon kay Basti, magaganda ang mga ito.

Kumanta sila ng Somewhere Over The Rainbow na vey Judie Garland ang peg at natural lamang na nakita roon si Madam Charo Santos-Concio para sumuporta sa dalawang pamangkin.

Inamin nitong hindi siya hahadlang kung naisin ng mga bagets na pasukin ang showbiz at ang alam nito, naglalaro lamang ang mga bagets sa kanilang ginagawa.

And again, speaking of Madam Charo, may kasunod umano ang kanyang comeback-movie na Ang Babaing Humayo pero it will take sometime.

Gusto rin daw nito rom-com type of a movie pero pag-iisipan pa raw ito nang maigi. Masaya niyang inamin na puwede sa kanya ang May-December themed movie at nang pinapili namin siya kung sino kina Ian Veneracion, Xian Lim at Jericho Rosales and pipiliin nitong maging leading man, “All of the above,” agad nitong sambit.  PAISTARRR/ ALEX DATU

 

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply