Kahit off-cam, Alden Richards at Maine Mendoza overload sa sweetness!

maine and alden

INSEPARABLE na nga ang Destined To Be Yours lead stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Through time, isang napakagandang bond at tiwala ang nabuo sa pagitan nila.

Tanong tuloy ngayon ng kanilang fans ay kung talagang close friends lang ang turingan nilang dalawa.

In fact, sa mga Instagram stories kasi ni Maine at sa mga post na nagmumula sa kanilang supporters, madalas sila ang magkasama at sobrang sweet pa kahit off-cam.

Ano na nga kaya ang real score sa dalawa ngayong mas magiging malapit pa sila dahil sa kanilang GMA Primetime series?

Samantala, bago ang worldwide premiere ng much-awaited series nila on February 27, makikisaya muna ang dalawa sa selebrasyon ng Panagbenga Festival sa Baguio ngayong weekend.

Sila kasi ang banner ng Kapuso Float sa Panagbenga Float Parade ngayong Linggo, Pebrero 26.

Magpapakilig din sila sa Kapuso Fiesta sa Sunshine Park simula 10 ng umaga kasama ang kanilang co-stars na sina Koreen Medina at Juancho Trivino.
***
Cast ng Mulawin vs. Ravena, nagsimula nang magbakbakan!

Simula na ng bakbakan para sa cast ng upcoming telefantasya ng Kapuso Network na Mulawin vs. Ravena na Dennis Trillo, Bea Binene, Kiko Estrada at Derrick Monasterio.

Nagsimula na kasi ang training nila para sa kanilang mga fight scenes.

Sumailalim sila sa isang grupo ng professional martial artists.

Sa pangunguna ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo, ibinahagi niya ang kanilang naging kakaibang experience.

“Kailangan magmukhang professional kasi ‘yung roles namin dito warriors so kailangan ma-perfect namin ‘yung tamang form, maging confident kami roon sa routine para mas maging kapani-paniwala ‘yung ginagawa namin,” saad ni Dennis.

Mukhang hindi biro ang mga eksena ng upcoming GMA series kaya nararapat na abangan ang Mulawin vs. Ravena soon sa GMA Telebabad.
***
Mikee Quintos, namimiss na raw si Solenn Heussaff

Ayon sa posts ni Solenn Heussaff, out-of-the-country siya kasama ang kanyang hubby na si Nico Bolzico.

Kaya naman tila hindi raw kumpleto ang set ng Encantadia kung wala ang versatile actress ayon kay Mikee Quintos.

Sa isang Instagram post niya kasi, sinabi ng dalaga na namimiss na niya ang kakulitan ni Solenn tuwing in-between takes sila.

Pabiro niyang sinabi sa caption: “Missing your sexy butt on set, @solennheussaff!!”
***
Janine Gutierrez at Lauren Young, mega-bonding sa panonood ng Legally Blind

Wala na talagang ilangan sa pagitan ng dalawang mahuhusay na Kapuso actresses na sina Janine Gutierrez at Lauren Young dahil kapansin-pansin ang bonding nila off-cam.

Kahit na inggit na inggit ang karakter ni Lauren na si Charie kay Grace na ginagampanan ni Janine, kitang kita ang unity na dinala ng programa sa kanilang dalawa.

In fact, pinost din ni Lauren ang quality time nila habang nanunuod ng kanilang series kasama ang kanilang co-actors na sina Rodjun Cruz, Marc Abaya at Mikael Daez.
***
Sunshine Dizon at Ryza Cenon, panay ang patutsada sa isa’t isa

Just by watching the scenes of Sunshine Dizon and Ryza Cenon sa Ika-6 Na Utos, we can’t help but laugh dahil sa mga patutsada ng kanilang mga karakter na sina Emma at Georgia, respectively.

Sa mga nakaraan nga nitong episodes, nakatatawa ang mga punch lines nila sa isa’t isa nang nasa fitting room sila at nagsusukat ng parehong klase ng damit.

In fairness, iba ang dating ng pagsasama ng dalawang magagaling na Kapuso actresses na ito.

Hindi nga rin namin mabitawan ang pagsubaybay sa ibang klaseng istorya ng Ika-6 Na Utos every afternoon sa GMA. Kaya naman tuloy-tuloy din ang pag-arangkada nito sa TV ratings. PAPAK!/ABE PAULITE

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply