Kris Aquino panay ang iyak!

NARARAMDAMAN na ni Kris Aquino ang kakulangan sa kanyang pagkatao nang mawala siya sa telebisyon.

Inamin niya na dumaraan siya ngayon sa emotional stage at pagka-disappoint dahil sa nangyari sa kanyang career.

Sinabi rin niyang isang linggo na raw siyang umiiyak dahil sa mga nangyayari sa kanyang buhay.

Idagdag pa dyan ang takot na nararamdaman niya para sa kanya kapatid na si dating pangulong Noynoy Aquino na baka raw makulong dahil sa nangyari sa SAF 44.

Kaya nga hindi siya nagdalawang-isip na nakiusap sa Pangulong Digong sa pamamagitan ng text messages na huwag naman daw ikalaboso ang kanyang kuya.

Marahil ang pakiusap na iyon ni Kris ang isa sa naging dahilan kung bakit hindi na itutuloy ni Presidente Duterte ang pagbuo ng isang komisyon para mag-imbestiga sa pag-massacre sa SAF 44.

Gusto lang daw niyang malaman kung bakit sa kabila nang napapaligiran ang tropa ng pamahalaan at parang mga hayop na tinatarget ng kalaban, bakit daw walang air support?

Anyway, sa gitna ng kalungkutan, may isang tao naman yatang handang magpasaya sa 45 years old ng si Tetay.

Aba’y sa February 14 pa ang kanyang kaarawan pero kaylan lang ay may nagpadala na sa kanya ng super dami ng balloons na may miniature light sa loob ng bawat isang lobo.

Sino kaya siya? Hindi kaya si Bistek ito? Hehehe!
***
Pakikipaglaplapan ni Chokoleit sa lalaki, kapalit ng cellphone!

Naging viral nga sa social media ang walang patumanggang pakikipaglaplapan ni Chokoleit sa isang lalaki.

Talagang pudpuran ng nguso at sipsipan ng mga dila ang nangyari sa kanila.

Marami ang nainggit kay Chocoleit sa tagpong ‘yon dahil bagama’t ganyan kaaskad ang pagmumukha niya, nakakuha siya ng mhin na guwapo na, todo-bigay pa sa pakikipaghalikan sa kanya.

Ni katiting na pandidiri ay walang nabakas sa mukha ng patiwakal na lalaki habang inuulaol niya ng halik si Chokoleit.

Eh, kaya naman pala ganon na lamang katindi ang response ng lalaking ito sa espadahan nila ng dila ng komedyante ay dahil maliban daw sa datung, bibigyan pa siya ni Chokoleit ng isang brand new iPhone 7 na.

Pero hindi pa nagtatapos dyan ang scandal ni Chokoleit, series daw ang gagawin niya dahil meron siyang challenge sa iba pang malalakas ang loob ng kalalakihan na makipaglawayan sa kanya kapalit ng gadget at pera. ‘Yun na!
***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/ABE PAULITE

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply