Libreng sakay sa Navotas umarangkada

TINIYAK ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco na hindi mararanasan ng kanyang mga kabbayan ang ma stranded sa nagaganap na ikalawang Nationwide Transport Strike ng mga operators at jeepney drivers sa buwang ito sa ipinaglalaban nilang government modernization plan.

Nagtakda ang lokal na pamahalaan ng ilang sasakyan mula sa munisipyo kasama na ang pagpapagamit ng isang malaking amphibian upang makapaghatid at sundo ng mga pasaherong walang masakyan sa lungsod.

Alas-5:00 pa lamang ng umaga ay handa na ang free rides sa itinakdang oras at lugar. Mula C-4 patungong Tangos, Navotas at Navotas pa-C4, Agora patungong C4, at C4 pabalik ng Agora.

Mayroon ding libreng sakay sa magtutungo ng Monumento at ihahatid hanggang C4, at libreng sakay sa mga tutungo ng Monumento buhat din sa C4.

Ang libreng sakay na alay ni Mayor Tiangco ay tatagal hanggang sa matapos ang isinasagawang transport strike ng mga driver upang muling may masakyan ang mga commuters.

Bago pa maganap ang nasabing malawakang welga ay nagpaabot na ng paalala ang alkalde na sikaping umalis nang maaga upang hindi magkasabay-sabay ang volume ng mga mananakay.

Sinuspinde na rin ang klase sa lahat ng antas sa lungsod upang hindi na din mahirapan ang mga mag-aaral at hindi na makadagdag pa sa commuters na mahihirapang magtungo sa paaralan at makauwi. ROGER PANIZAL

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply