Luis Manzano ininggit ang netizens sa nagsi-sex na ipis!

KAABANG-ABANG  ang mga ipino-post ni Luis Manzano sa kanyang social media account dahil nakawawala ng stress.

Matatawa ka talaga sa mga kakaiba niyang ibinibahagi.

Basta lang may pagtawanan, isini-share niya ito sa netizens.

Katulad na lamang nitong dalawang ipis na nagsi-sex, ginawa niyang pang-inggit sa mga taong wala nang lovelife, wala pa raw sex. Susme!

“Ang ipis na may lovelife at sex life, please tag a friend na tinalo pa ng ipis,” caption ni Luis sa litrato ng dalawang ma-el na ipis. Hehehe!

Maging si Jessy Mendiola ay na-amuse sa ginawa ng kanyang love, “Love ano ba yan?” tanong nya sa magaling na TV host.

Hindi kaya magdemanda ang dalawang ipis na ito kay Luis dahil nilabag ng Kapamilya host ang kanilang privacy? Jus asking!
***
Happy si Tyrone sa nanalong 9 year old boy sa kanyang pa-contest

May nabigyan na namang pangkabuhayan ang Idol ng Masa na si Tyrone Oneza sa isa sa kanyang mga Tyronenatics.

Sa halagang 500 (mahigit 30 mil sa peso) Euro plus brand new authentic laptop ay tiyak na makatutulong ito nang malaki sa 9 year old boy na si Renz Aleguiojo from Cebu City sa kanyang pag-aaral lalo na ang naturang gadget.

Si Renz ay nanalo sa #TyroneOneza/International Wheel of Fortune Sing-Alike Contest kung saan kinanta nito ang isa sa original songs ni Tyrone mula sa kanyang record album na “Dito Sa’King Piling” na available pa rin sa mga record bar at sa lahat halos ng online music stores like Itunes, Google Play, YouTube, Amazon, Spotify, CDBaby, OPM2GO, GooglePlayMusic, PinoyAlbum at marami pang iba.

Nagawa ni Renz na mapa-trending ang kanyang music video na kinakanta ang isa sa mga awitin ni Tyrone sa Facebook na umabot sa mahigit na 400 thousand views.

Labis itong ikinatuwa ng balladeer singer dahil may natulungan na naman siyang isang pamilya sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang FB Wheel of Fortune bagama’t sa Barcelona, Spain na siya naka-base.
***
Serye ng AlDub tinutukan ng buong mundo

Simula nang mai-announce sa publiko ang primetime teleserye ng phenomenal love team na sina Alden Richards at Maine Mendoza na Destined To Be Yours, hindi na nga nawala ang excitement sa mga nag-aabang na mapanood ito.

The long wait is finally over dahil nagsimula na ang pinaka-inaabangang serye nina Alden at Maine bilang sina Benjie at Sinag.

Alay nina Alden and Maine sa kanilang fans at supporters ang programang ito at importante para sa kanila na mapasaya at magustuhan ng lahat ang kanilang pinaghirapan.

At hindi nga kami binigo ng Kapuso Network dahil isang pasabog nga ito para sa aming lahat. Pilot pa lang, iba na ang dating!
***
Rocco Nacino hinangaan sa pagtanggap sa constructive criticism

It’s always nice kapag open-minded ang isang tao sa criticism ng ibang tao sa kanya.

Ganito ang ginawa ni Rocco Nacino sa isa sa mga manonood ng Encantadia na nagbigay sa kanya ng constructive criticism sa Twitter.

Imbes kasi na malungkot, he took it positively at nireplyan pa ang kanyang supporter ng “Appreciate your opinion. Will Take note on that.”

Marami naman sa mga followers ng Kapuso actor ang humanga sa kanya since it showed his maturity. Good job on this, Rocco.

Meanwhile, mas umiinit pa ang mga eksena sa GMA telefantasya dahil tila parami yata nang parami ang mahuhusay na aktor ang patuloy na pumapasok sa top-rating series ng Network.

Ngayon nga, ginagampanan ni Phytos Ramirez ang karakter ng binatang si PaoPao na ginampanan noon ng child wonder na si Yuan Francisco.

Tanong tuloy ng marami ay ano pa ang susunod na mga kaganapan sa Encantadia?
***
Eugene Domingo ‘di sumusunod sa script

Every Sunday afternoon, hindi kumpleto ang hapon kapag hindi napapanood ang nakakagood vibes na episodes ng Dear Uge na pinangungunahan ng mahusay na GMA comedian na si Eugene Domingo.

Iba kasi ang timpla nito dahil meron itong life lessons at nakaaaliw na scenes.

Kaya naman nang makausap namin si Uge, tinanong namin sa kanya kung ano ba para sa kanya ang rason bakit successful ang run ng kanyang show.

Hindi naman niya ipinagdamot ang para sa kanya ay sikreto ng Dear Uge.

Aniya, “It is because we are very, very close to each other; the creative team and our producers.

Mababaw lang ang kaligayahan naming lahat.

Gusto lang talaga naming mabigyan ng chance lalo na ang mga bago nating komedyante like sila Divine, Mercy, Hercules, at lahat ng guests namin na usually hindi natin nakikita na magcomedy.

At meron kaming style dito na we just don’t’ usually follow the script, most of the time, we improvise.

Kasi naniniwala kami na lahat dapat maging organic.

I am very thankful with the creative team kasi binibigyan nila kami ng concept and from there, tumutubo yung comedy.”

For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK/ ABE PAULITE

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply