Marian Rivera stop na raw sa pagseselos

NAGBAGO na raw si Marian Rivera.

Hindi na raw siya nagseselos mula nang makapanganak.

So hindi pala totoo ang napapabalita noong sumusugod si Marian sa taping ng Alyas Robinhood at kumekendeng-kendeng sa harapan nina Dingdong Dantes at Andrea Torres na pinagseselosan niya.

May pagkakataon pa nga raw na biglang susulpot siya sa taping bitbit ang kanilang baby at biglang ilalabas ang kanyang dede at doon mismo magpapasuso.

Natural mawawala sa focus ang pinagseselosan niyang si Andrea Torres. Hehehe!

“May anak na kami. Sa akin naman umuuwi. Lahat na ginagawa. Ano pa ba ang gusto, i-tumbling ang asawa ko? Lahat na binigay,” ani Marian.

Humaba na rin daw ang kanyang pasensya.

Lumalabas nga raw ngayon na si Dindong na ang seloso.

Wala naman daw dapat ikaselos ito.

Wala naman daw siyang trabaho.

Hindi naman daw pwedeng pagselosan ni papa Dingdong si Boobay na kanyang bestfriend.

At sa totoo raw, sukang-suka na si Marian sa isyung selosan o nagseselos siya palagi.

Pero ang pagseselos daw ay sakit na.

Kahit daw anong gawin ng isang tao ay lalabas at lalabas ang pagseselos lalo na kung labis itong nagmamahal.

Parte na rin ng mag-asawa ang jealousy. ‘Yun na!
***
Tyrone Oneza nawalan nang respeto kay Jim Paredes

Sobrang idol ni Tyrone Oneza si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinuntahan pa niya ito noon sa Davao city para lamang makaharap ang noon ay mayor pang pangulong Digong.

Mas lalo siyang humanga rito nang makaharap niya dahil sobrang bait pala nito sa personal.

Very hospitable, accommodating at wala raw kayabang-yabang sa katawan.

Kaya naman, bago ang presidential election hanggang sa matapos at manalo ang kasalukuyang presidente natin, laging nakasubaybay ang Idol ng Masa sa mga nagaganap sa ating bansa.

Lately ay labis siyang nainis sa pinagsasabi nitong si Jim Paredes laban sa mga youth supporter ng administrasyon dahil hayagan daw itong pambabastos sa kanila at kawalan nang respeto sa kapwa.

“Grabe itong napanood kong pambabastos at pang-mamaliit ni Jim Paredes sa Duterte Youth Supporters. Tanungin ba naman na titigan ang kanyang mga mata at kung ano-ano pang sinabi niya sa mga kabataan. Kung ako ang tatanungin niya, hindi rin ako magsasalita, dudukutin ko lang naman ang kanyang dalawang mga mata. Nawala tuloy respeto ko sa matandang ito sa pagiging bastos at walang modo. Walang respeto sa kapwa tao!”

Kung hindi kami nagkakamali, personal na hinarap ni Paredes ang mga nagtitipon-tipong mga supporter ng gobyerno sa Edsa sa selebrasyon ng first Edsa revolt noong isang araw at pinagtatalakan at pinalayas.

Mali nga naman ito.

Magrespetuhan na lang tayo.

Kung kanino ka, doon ka, huwag ka ng makialam sa paninindigan ng iba. Afterall, we are in a democratic country.

Anyway, abangan ang pagbabalik ni Tyrone sa darating na Mahal na Araw, gayundin ang kanyang planong birthday concert kung saan gusto niyang makasama sa kanyang performance ang crush niyang si Angeline Quinto.

Wino-workout na ito ng kanyang manager kung pupuwede si Angeline at kung wala itong ibang commitments. Sana nga matuloy.
***
My “My Ex and Whys” kumita na ng US $5M worldwide

A romantic comedy-drama film from the Philippines that opened in theaters internationally just a week ago is illustrating solid signs of a highly welcoming global landscape for Filipino films and also encouraging possibilities for a simultaneous worldwide release.

TFC@theMovies released “My Ex and Whys” internationally around the same time said film was released in the Philippines.

The combined box office take on its first week is now at USD 5 million — USD 4 million in the Philippines and USD 1 million from screenings in the Middle East, Europe, Asia Pacific, U.S. and Canada.

The film will also screen in Hong Kong on March 5.

TFC@theMovies’ “My Ex and Whys” stars the popular Filipino youth loveteam of Enrique Gil and Filipino American Liza Soberano, a San Francisco Bay Area native.

It is directed by the award-winning Cathy Garcia-Molina.

“My Ex and Whys” is on its way to either equaling or surpassing the performance of three of the top-grossing Filipino films released by TFC@theMovies in 2016: “Barcelona” at USD 1.6 million; “Everything About Her” at USD 1.5 million and “Unmarried Wife” at USD 1.2 million.

The film’s commercial run is already extended in U.S. and Canada. The film is distributed by ABS-CBN International in North America. For more information, visit visit tfc-usa.com/exandwhys and tfc-ca.com/exandwhys.
***
For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2:00-3:00 p.m, Monday to Friday. Mabalos!  PAPAK!/ABE PAULITE

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply