Mas honest si Liza compared kay Enrique!

lizquen

SADYANG mabait si Alden Richards dahil nag-alala siya habang nilalagnat si Lotlot De Leon sa taping ng bagong serye ng GMA 7 na “Destined To be Yours”.

Nagbigay agad ng gamot ang Pambansang Bae kaya touched na touched ang kampo ni Lotlot.

Bagamat tinatrangkaso si Lotlot ay tuloy pa rin siya sa pagti-taping.

Iniisip lang niya ay giniginaw siya.

Pero hindi na raw nakayanan ni Lotlot ang second to the last ng twelve sequences dahil nagtsi-chill na siya at may fever na siya.

Sinabihan naman daw siya na isusugod na sa opsital pero tumanggi siya.

Hinintay na lang daw niyang sunduin siya ng Lebanese businessman boyfriend niyang si Fadi El Soury.

Pero tumaas pa rin daw ang lagnat ni Lotlot nang 2 AM kaya isinugod na ito sa ospital pero ilang oras lang ay pinalabas na siya.

Sa bahay na raw nagbabawi ng lakas ang aktres
-0o0-
Parehong kagustuhan nina Liza Soberano at Enrique Gil na makapunta ng South Korea kaya natuwa sila nang maaprubahan ng Star Cinema na mag-shoot sila ng “My Ex and Whys” sa nasabing bansa.

Sey pa ni Liza gusto nilang mag-Korea dahil sa blockbuster movie na “Train to Busan”.

Anyway, bagamat may eksena silang sensual ang dating na nasa loob ng aparador at nakahubad ng pang-itaas si Enrique, nilinaw ni Direk Cathy Garcia- Molina na pang-high school lang ang ginawang lambingan ng dalawa.

Cutie-cutie lang na patawa at walang kahalayang naganap.

‘7 minutes in heaven’ daw ang larong ‘yun.

Gusto niya kasi na kahit tatlong taong gulang ay puwedeng panoorin ang “My Ex and Whys”.

Sinabi rin niya na sa mga susunod pang movies ng LizQuen ‘yung pang-college na lambingan na humahantong na sa love scene, ‘quick sex’ etc.

Hirit nga ni Enrique, kiss-kiss lang ang nangyari at hindi ‘kiskisan’.

Tinanong din si Quen kung ano talaga ang estado ng relasyon nila ni Liza.

“In denial! Hindi, joke lang. Masaya po kami, that’s all I have to say. Masaya kami. Secret lo­vers. Joke lang! Ha! Ha! Ha!” tumatawa niyang pahayag.

“Para sa akin, labels are labels. Kung hindi pa ready for that, eh ‘di respeto.For me, it doesn’t matter if may label or not. It’s how you treat each other,” dagdag pa niya.

Deklara rin ni Liza: “Quen is my special someone because he’s very special to me.”

‘Yun na!
-0o0-

Walang kupas si Lani Misalucha.

Ang ganda pa rin ng boses kahit nakaupo lang.

Nagbigay kasi siya ng sample sa presscon ng Valentine’s concert nila ni Martin Nievera na “Masquerade” sa February 12, 2017 sa Waterfront Hotel and Casino, Cebu City at sa February 14 at 15 sa The Grand Ballroom of the Solaire Resort and Casino.

Kamakailan ay nagkaroon ng problema sa health ni Lani pero naging okey naman ang lahat nu’ng magpa-check up.

Negative raw ang naging resulta nito.

Hindi na siya nagdetalye kung ano ang kanyang pinagdaanan pero sinisigurado niya na walang dapat ipagalala ang mga nagmamahal sa kanya.

Hindi raw malala ang sakit niya.

Tsuk!
-0o0-
Sa pagbubukas ng 2017, nananatiling nangunguna sa buong bansa ang ABS-CBN noong Enero dahil mas maraming mga manonood mula sa urban at rural homes ang nagpakita ng suporta sa mga programang nagbibigay inspirasyon at nagpapalaganap ng aral at pagmamahal.

Nakapagtala ang Kapamilya network ng average audience share na 44% base sa datos ng Kantar media.

Hindi nagpahuli ang ABS-CBN sa top 20 most watched programs sa bansa dahil 15 dito ay mula sa Kapamilya network.

Numero uno sa listahan ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” na may average national TV rating na 37.2%.

Sa loob ng higit isang taon, tinalakay ng seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin ang ilan sa mga pinakamahahalagang issue sa bansa at nagpakita ng mahahalagang aral tungkol sa pamilya, kaya naman naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa serye mula noong nag-umpisa ito noong 2015.

Sumunod naman dito ang reality-talent program na “Your Face Sounds Familiar Kids,” kung saan tampok ang pinaka-cute at talented Kapamilya child stars, na may 35.2%.

Naging patok din ang mga aral sa “Wansapantaym” sa pagtala nito ng 30.1%.

Nakakakuha naman ng national TV rating na 30% ang “MMK” sa patuloy nitong pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga totoong kwento ng mga Pilipino.

Agad din naging patok ang “My Dear Heart” sa pagpapaalala nito sa mga manonood sa kapasidad ng taong magmahal, na nakapagtala ng 28.5%.

Hindi rin nagpahuli ang katatapos lang na seryeng “Magpahanggang Wakas” na may 25%.

Kasama rin sa top 20 ang “TV Patrol” (28.8%), “Magpahanggang Wakas” (25%), “Home Sweetie Home” (24.9%), “Goin’ Bulilit” (23.1%), “A Love to Last” (22.7%), “TV Patrol Weekend” (18.6%), “Ipaglaban Mo” (17.7%), “Minute to Win It Last Man Standing” (17.7%), “Doble Kara” (17.4%), at “It’s Showtime” (16.8%).

Mas inabangan din ang live telecast ng 65th Miss Universe pageant sa ABS-CBN na nakakuha ng national TV rating na 27.4% .

Samantala, namayagpag ang ABS-CBN sa lahat ng time blocks, partikular na sa primetime (6PM-12MN), kung saan nakakuha ito ng 47%. Nanguna din ang ABS-CBN sa morning block (6AM-12NN) na nakapagtala ng 40%; sa noontime block (12NN-3PM) na nakakuha ng 44%, at afternoon block (3PM-6PM) na nakapagrehistro ng 45% .

Samantala, ang ABS-CBN din ang naghari sa iba pang lugar sa bansa noong Enero.

Sa Total Balance Luzon, nagtala ang Kapamilya network ng average national audience share na 46% , sa Total Luzon sa parehistro nito ng 40% , sa Total Visayas na may 51% ; at Total Mindanao na may 52% . XPOSED/ROLDAN CASTRO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply