Mas matindi ang bangga ng chick compared sa ombre!

liza-soberano1

VERY candid si Liza Soberano sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa estadong relasyon nila ng leading man niya sa latest and Valentine movie offering ng Star Cinema titled “My Ex And Whys” na si Enrique Gil.

Kulang na lang ay umamin na si Liza na mag-on na talaga sila ni Enrique.

Nadaig pa tuloy ni Liza si Enrique na nagpapa-kyeme-kyeme pa sa pag-describe ng relasyon nila.

Tuloy nalaman ng entertainment writers na present sa presscon ng “My Ex And Whys” na mas matapang at honest si Liza sa kanila.

Mukhang mas matindi ang love ni Liza kay Enrique, huh!

Inamin ni Liza that Enrique completes her nu’ng kunin ang explanation niya sa pagtawag niya ng ‘better half’ sa kanyang leading man sa kanyang post sa social media.

Dagdag pa ni Liza, Enrique is someone special for her.

On Enrique’s part, tinawag niya na secret lovers raw sila ni Liza.

Ayaw bigyan ng label ni Enrique kung ano meron sila ni Liza. Para sa kanya, “Label is just a label. Kapag hindi pa pwede, respeto. It’s not the label that matters, it’s how you treat each other.”

Gagampanan ni Enrique at Liza ang papel ng dating magkasintahan na sina Gio at Cali sa “My Ex And Whys” directed by Cathy Garcia-Molina. Hindi makapag-move on si Cali sa pangangaliwa ni Gio at muling magkakasama ang dalawa sa isang ‘di inaasahang proyekto na magiging daan sa kanilang pagbabalikan.

Ipalalabas ang “My Ex And Whys” sa sinehan nationwide on February 15.

—oooOooo—

Natutukan namin ang pilot week nito and true enough, nakaka-antig talaga ng puso, huh! Crayola Pagaspas ang kasabay naming naonood sa bahay.

Sa umpisa ng kwento lumabas agad ang character ng 2016 PMPC Star Awards for TV Best New Female winner na si Ria Atayde.

Nalaman na sa unang week kung ano ang ‘papel’ ni Ria sa “My Dear Heart” bilang anak ni Dra. Divina Graccia na ginagamapanan ni Coney Reyes, college girlfriend ni Zanjoe Marudo.

“Maganda ang kwento ng character ko at eventually naman po makababalik ako. Nabuntis ako. Mawawala ako pero of course, babalik rin po ako. Hindi ko lang alam kung kailan. Medyo open-ended lang po siya ngayon,” lahad ni Ria.

Habang hindi pa siya umaapir sa “My Dear Heart” may iba naman daw siyang pinagkakabalahan.

“Ay, po, ‘yung kay Direk Erik Matt, ‘yung series po niya na “OTJ (On The Job).” Six episodes po. Sa Hook po, parang Netflix. Kasama ko rin po si Bela (Padilla) at si Arjo (Atayde),” lahad ni Ria. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply