Nangangamoy away ba?

NANGANGAMOY away ba ang bagong gf ni Jomari Yllana at si Aiko Melendez?

True ba na hindi bet ng bagong nobya ni Jom si Aiko kaya iniiwasan diumano ng actor na makausap ang dating asawa?

Anyway, loveless ngayon si Aiko kaya gulat na gulat sa tsikang engaged na siya.

“Hindi ko rin alam, nagulat na lang ako pati si Andrei (panganay niya), nagtampo sa akin, akala engaged ako. Ngayon lang po ako na-engage sa buhay ko na hindi ako aware,” deklara ni Aiko sa presscon ng kanyang latest soap na magsisimula sa Feb. 13 sa ABS-CBN 2.

Nagsimula ang tsikang ito dahil na-hack diumano ang Facebook Account niya.

Pati nga raw si Ai Ai Delas Alas ay nag-congrats sa kanya.

Sey pa ni Aiko magko-cross stitch na lang daw siya sa Valentine’s Day. Underwear raw ang ginagawa niya kaya sagot na raw niya ang underwear ng mga co-stars niya sa soap na sina Maja Salvador, Sunshine Cruz.

Talbog! XPOSED/ROLDAN CASTRO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply