NPA, nakiisa sa tigil-putukan sa Surigao

npa1
LABIS na ikinatuwa ng Malakanyang ang positibong pagtugon ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa panawagan ng military na tigil-putukan sa lalawigan ng Surigao at ilang bahagi ng Agusan del Norte matapos itong yanigin ng magnitude 6.7 na lindol.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Martin Andanar na umaasa ang pamahalaan na tutuparin ng NPA ang kanilang deklarasyon at hindi ito isang ‘bluff’ lamang.
 
“Hope they do not renege on it as they have previously done,” ayon kay Sec. Andanar.
 
Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng damage assessment and rescue, evacuation and rehabilitation activity ang Armed Forces of the Philippines (AFP).  
 
Aniya, kailangan lamang na tuloy-tuloy ito at hindi mahadlangan upang makapagbigay ng agarang tulong ang pamahalaan sa mga biktima ng natural calamity.
 
“The Government and its forces lean forward to provide the fastest and most expeditious assistance our suffering citizens in Surigao need at this time and distractions from criminal activities by armed groups would not be in their best interest,” ani Sec. Andanar sabay sabing “Sa panahong ito kailangan magkaisa ang sambayanang Pilipino!”
 
Sa ulat, nakiusap ang militar sa mga rebelde na huwag atakihin ang mga sundalo na maghahatid ng tulong sa mga tinamaan ng disaster.
Sa pahayag ni Ka Oto na tagapagsalita ng NPA sa rehiyon, sinabi niyang sinimulan nila ang pagpapairal sa unilateral interim ceasefire sa mga tropa ng pamahalaan mula noong Pebrero 11.
Magpapatuloy aniya ito hanggang sa makabawi o makabwelo na ang probinsya mula sa kalamidad.
Tiniyak ni Ka Oto na hindi sila sasalakay laban sa mga militar sa kasagsagan ng interim ceasefire, hangga’t hindi rin sasalakayin ng mga sundalo ang kanilang mga teritoryo. KRIS JOSE
 
loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply