OFW sa HK, dedo sa roller coaster

NAMATAY sa pagkahulog ang isang Fiipino habang nagkakalas ng isang carnival ride sa Hong Kong nitong nakaraang Miyerkules.

Sinabi kahapon ng umaga ni Vice Consul Alex Vallespin, ang biktimang si Norman Canlas Padilla, 27, ay aksidenteng nahulog habang kinakalas ang isang roller coaster.

“Kahapon, nalaglag siya habang nagdi-dismantle ng isa sa mga rides dun sa carnival. Ni-report sa amin ng police, na-receive namin ‘yung report kahapon, February 15,” pahayag ni Vallespin.

Ang roller coaster ay parte ng AIA Great European Carnival, isang taunang okasyon ng The Great European Carnival Limited (TGEC).

Ayon sa pulisya, tumama ang ulo ni Padilla sa semento at nawalan ng malay. Isinugod ito sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival.

Lumipad ang kanyang kapatid sa Middle East para kilalanin ito sa Victoria Public Mortuary, ayon pa sa ulat.

Dahil si Padilla ay lehitimong empleyado ng TGEC, ang kanyang repatriation at funeral charges ay babalikatin ng naturang kumpanya. BOBBY TICZON

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply