Operasyon ng STL ipinatitigil na

PINAHIHINTO ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang operasyon ng small town lottery (STL) sa local level dahil iligal aniya ito.

Dumalo si Alvarez sa pagdinig ng House Committee on Games and Amusement kung saan harapan niyang sinabonang mga opisyal ng PCSO.

Binigyang-diin ng speaker na wala sa charter ng PCSO ang mag-operate ng anumang laro o sugal sa local level kundi limitado lamang ito sa national level gaya ng lotto.

Iginiit ni Alvarez na naghanap lamang ng justification ang PCSO para sa operasyon ng jueteng.

Aniya, kahit bilyong piso na ang kinikita ng PCSO sa STL ay hindi pa rin maikakaila na iligal ang operasyon nito ng STL.

Agad ay inatasan nito ang PCSO na kanselahinang ang lahat ng kontrata nito para sa STL operations.

Banta pa ni Alvarez na mismong ang Malaking Kapulungan ng Kongreso ang maghaharap ng asunto laban laban sa PCSO kung magpapatuloy pa rin sa operasyon nito ng STL. MELIZA MALUNTAG

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply