PAGBALIK NG OPLAN TOKHANG, STRIKE BACK ANG QCPD – ELEAZAR

lily-reyes6

NILINAW nitong si Quezon City Police District (QCPD) Director PCSUPT. Guillermo Eleazar, na pansamantala lang ang pagkakasuspinde sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP) ngunit tiniyak ng Heneral na kasama pa rin ito sa programa ng Quezon City.

Matatandaang pinabuwag ni Pangulong Rody Duterte ang Anti-Illegal Drug Groups, Regional Anti Illegal Drugs, District Anti-Illegal Drugs at Station Anti-Illegal Drugs.

At dahil nga sa kautusan ng Pangulo ay ipinahinto na rin ni PNP Chief, Bato dela Rosa, sa lahat ng kanyang nasasakupan na ihinto na rin ang Oplan Tokhang at sa halip ay pagtuunan na lang ng ating kapulisan ang paglilinis sa mga scalawag na pulis.

Bagama’t naka-hold pansamantala ang buy-bust operation sa lungsod ng Quezon ay sinabi naman nitong si Eleazar na may mga available intervension naman silang ipinagpapatuloy para nga ito sa kanilang ginagawang clearing operation.

Sabi nga nitong si Eleazar, babalik naman daw ang Oplan Tokhang at habang pansamantala itong naka-hold ay patuloy naman sila sa pagmo-monitor sa mga drug personalities.

Sa oras na maibalik na ang Oplan Tokhang ay siguradong strike back ang QCPD sa pagtugis at paghahanap ng mga drug personalities at iba pa pero sa ngayon ay ang Philippine Drugs Enforcement Agency muna ang bahala sa mga taong may kinalaman sa droga.

Sa pagkakabuwag ng units ng PNP na nagsasagawa ng Oplan Tokhang ay tuwang-tuwa naman ang mga tulak at pusher, lalo na ‘yung malalaking personalidad.

***

TULUYAN na ngang ipinasara ni Sta. Maria, Bulacan Mayor Rusel G. Pleyto, ang peryahan nitong sinasabing untouchable Pergalan Queen na si alyas Jessica.

Ang galing naman, sana ganito lahat ng Mayor na kapag nalamang may iligal sa kanyang lugar ay agad na ipasasara kahit na sabihing nagbayad pa ito ng buwis at permit.

Itong peryahan ni Jessica na sinasabing isang mini carnival ay nanggaling ng Baliuag Bulacan at dito ay may naaksidenteng isang bata sa isa sa mga rides nang dahil sa kapabayaan ng operator.

Isinulat natin sa ating column ang nasabing pangyayari kung kaya ipinasara ni Baliuag Mayor Ferdie Estrella, at inilipat naman sa Sta. Maria, at nang malaman nitong butihing Mayor na hindi pala peryahan kundi sugalan ay itinayo sa kanyang kuwadra, agad din itong ipinasara at pinatanggal lahat ng kagamitan sa sugalan nitong si Jessica.

Sa pamamagitan po ng ating column na Lily’s Files ng pahayagang Remate ay buong-puso po tayong nagpapasalamat dito kay Mayor Pleyto sa pag-action sa ating isinulat.

Ilang Mayor Rusel G. Pleyto pa kaya mayroon ang ating bansa?

***
Bukas po ang Lily’s Files Column natin para sa inyong mga reklamo, suhestyon at komento, mag-text lang po sa 09219787042. LILY’S FILES/LILY REYES

loading...

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply