Panelo kay De Lima: Karma ‘yan

IPINAHAYAG ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na Latapos magpalabas ng warrant of arrest ang Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 laban kay De Lima kaugnay sa kasong drug trafficking na kinakaharap nito bunsod ng kanyang naging partisipasyon sa operasyon ng illegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Panelo, dumaan sa tamang proseso ang pagpapa-aresto kay De Lima at mananatiling inosente siya hangga’t proven guilty.

Taliwas aniya ito sa ginawa ni De Lma noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ) kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Matatandaang sinuway noon ni De Lima ang temporary restraining order (TRO) na inilabas ng Supreme Court (SC) kaugnay sa lifting ng arrest order kay Arroyo.

Paliwanag ni Panelo, mabibigyan na ngayon ng pagkakataon si De Lima na maidepensa ang sarili sa tamang lugar at hindi sa harap ng media. -30-

About Gilbert

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply