Papatayin ang sinumang magtangkang umagaw!

mark herras

WALANG puwedeng umagaw sa pagmamahal ni Mark Herras kay Winyn Marquez dahil nagbanta ang actor sa sinuman sisira sa kanilang relasyon.

Sa message caption kasi ni Mark ay nakahanda siyang pumatay kapag may nagtangkang sirain ang kanilang pagmamahalan ni Winwyn.

“My panggaaaaa is back! Thank you Lord. If someone wants to ruin our relationship, I`ll kill you!!! No question asked!!” say ni Mark.

Hindi naman nakapagtataka kung bakit ganoon na lang ang iniukol na pagmamahal ni Mark kay Winwyn.

Dahil una, bukod sa hindi naging madali sa actor ang ginawang panliligaw sa actress ay sinuportahan siya talaga ng girlfriend sa lahat ng kanyang pinagdaanan sa buhay.

Hindi siya iniwan ni Winwyn sa sunud-sunod na pagpanaw ng mga mahal niya sa buhay.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakare-recover si Mark sa pagpanaw ng kanyang ina at ama.

Makikita ang pagdadalamhati ni Mark sa pag-post niya ng mga larawan ng tatlo niyang mga mahal sa buhay, ang biological father at mother niya at ang kanyang adoptive daddy.

Sinasabi sa mensahe ni Mark na sobrang sakit ang nararamdaman niya sa pagkasabik sa mga pumanaw na mahal sa buhay.

Pero alam daw niya may dahilan ang lahat ng pagkawala ng mga ito sa kanyang piling.

Pagkatapos raw ng lahat ng trabaho niya sa buhay ay magsasama na silang apat sa langit.

Isa sa katangiang kinagusto kay Mark ng mga followers at kaibigan ay hindi nito binubuntis si Winwyn hangga`t hindi pa sila kasal.

Ayaw niyang matulad sa nangyari kina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
***
Sana bago nag-emote si Diego Loyzaga, anak ni Cesar Montano kay Theresa Loyzaga ay nag-isip muna ito kung ano ang idudulot na hindi maganda sa kanilang mag-ama.

Kahit na binura na nito ang mga masasakit na hinaing sa ama ay hindi na ito mabubura dahil marami na ang mga nag-screenshot na pinagpasa-pasahan na sa social media.

Marami ang mga bintang ni Diego kay Cesar kaya hindi maiiwasan na may madismaya sa naging ugali ng anak sa kanyang ama.

Hindi natin alam ang puno`t dulo ng hinaing ni Diego kay Cesar at nararapat na hintayin natin ang magiging pahayag ni Cesar kung gugustuhin nito ang magsalita.

Bukod kay Cesar ay inaabangan din ang magiging pahayag ni Teresa na posibleng may alam sa katotohanan bilang ina ni Diego.

Kung hindi kami nagkakamali ay open naman ang komunikasyon nina Cesar at Theresa kaya hindi malayong mag-usap ang dalawa para pag-usapan ang problema ng kanilang anak.
***
Formal nang inihayag kahapon ni Dra. Milagros How sa Novutel Hotel, Cubao Q.C. ang 2017 Grand Finalist ng TOFARM Film Festival and Songwriting Competition.

Ang mapalad na napasama sa songwriting competition ay ang Langit sa Tagumpay sinulat ni Elmar Jan Boilano, Magtatanim Ako ni Edwin Marollano, Ika`y Mahalaga ni Henry Alburo, Binhi ng Pagbabago ni John Christian Jose, T`yaga Lang at Sipag ni Robert David, Bayani ng Lupa ni Agila Malaya, BJnhi ng Pagbabago ni Cino Torres, Balik Na Salinlahi ni En Gallardo, Tayo ni Daryl Cielo at Magtanim ng Bago na sinulat ni LJ Manzano.

Ang song committee jury ay sina Mr. Josefino Chino Toledo, Ms. Luchie Roque, Mr. Olivier Ochanine at Mr. Jed Balsamo.

From more than 2 to 3 hundred script na sumali ay anim lang ang mapalad na nakapasa sa panlasa ng mga hurado sa pangunguna nina Ms. Racquel Villavicencio, Ms. Michiko Tamamoto at Mr. Jun Robles Lana.

Ang anim na mapalad na film finalist ay “Baklad” ni Topel Lee, “High Tide” ni Tara Illenberger, “Instalado” ni Jason Paul Laxamana, “Kamunggay” ni Victor Acedillo Jr, “Sinandomeng” ni Byron Bryant at “What Home Feels Like” ni Joseph Abello. TEKA MUNA/ GERRY OCAMPO

loading...

About pler

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply